Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kris, Bistek nagkontrahan sa ibig sabihin ng love; winner pag nagsama sa online talkshow

“HINDI po ‘yan show, nagkataon lang na nagpunta sila sa Cornerstone office, then tinray namin ang chemistry.”

Ito ang sagot ng taga-Cornerstone sa tanong namin kung may online show na pagsasamahan sina dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino dahil sa ipinost nila sa social media na, “He Said, She Said.”

Kaagad naming napansin ang coffee machine-microwave na nasa likod nina Herbert at Kris kaya alam naming nasa Cornerstone office sila at nakaupo sa high chair dahil mataas ang center dining table.

Ipinost din ni Kris ang nasabing “he said, she said interview” nila ni Bistek na may caption na, “7 years after. Presented by Cornerstone Entertainment Inc. Happy Sunday. Happy #friendzone.”

Sa tanong na, “What is love for you?” ang sagot ni Kris ay, “I didn’t believe my mom before but now I do. She always say that for you to be loved it has to bring out the best in you.  Love should make you want to be a better person and you should want that person to shine.”

Sabi naman ni Bistek, “Tama siya. Ha-hahahaha! (sabay tingin kay Kris na naghihintay din ng sagot). Love is sacrifice,” dugtong ni HB.

Pero pagkontra ni Kris, “It shouldn’t feel like sacrifice.”

“Parang ganu’n, you have to give most of yourself to the person you love,” katwiran ni HB.

“But because nga dahil love mo, it doesn’t feel like sacrificing anything,” sabi pa ni Kris. Na sinagot uli ni Bistek ng, “Parang walang effort na ibinibigay mo.”

“Parang it just flows,” sagot naman ni Kris.

Sumunod na tanong, “Do you believe in second chances?”

“No!” mabilis na tugon ni Kris.

“Wala pa ngang first chance, second chance na kaagad?” natawang sabi naman ni HB kaya nagkatawanan ang lahat ng nasa loob ng CS office.

“Kung hindi ninyo napa-work sa first time around, there was a reason,” katwiran ni Kris. Hirit ni HB, “Hindi rin.”

Pero nabara siya ni KA, “You have to be married, I’ve been married.”  Sabay paliwanag, “So, sabihin ko lang na ilang times kong tinray? You know when it’s broken and I said this also, once is broken, the people trying to pick up those broken pieces and up na pareho silang sugatan. So, pag basag na talaga let it go.”

“Pagkadugtong mo ‘yung unang question sa love at saka sa second chances parang wala kayong pure love?” balik-tanong ni HB kay Kris.

“I don’t think it is love,” sagot ni KA.

“Then why marry when it is not love?” tanong ulit ni Bistek kay Kris.

“Because I wanted to,” paliwanag ni Kris pero agad siyang sinabihan ni HB na nakatawa, “Because you wanted?”

“I wanted to get married lang,” hirit ni Kris.

Muntik namang mabuga ni HB ang iniinom niyang kape sa katwiran ni Kris. Sabay hirit pa ng mama nina Bimby at Joshua, “Bakit, anong masama ro’n? Mali, e, di ngayon natuto na. No offense sa mga taong natatamaan, pasensiya na po (sabay lingon kay Bistek).”

“Exactly. Kasi ang love (sabay muwestra pataas) magkakaiba ang degree ng love, may love ng disiotso, love ng beinte nuwebe, love ng treinta’y singko, love ng singkuwenta, di ba?” sabi pa ng aktor.

“Sabi mo sacrifice, but it shouldn’t feel like a sacrifice. But there were portions that I really felt I was sacrificing,” pag-amin ni KA.

“Doon sa marriage mo?” tanong ni HB kay Kris.

“And also sa ‘yo!” seryosong sagot ni Kris na nakatingin kay HB na natawa ulit habang umiinom ng kape.

“What is your idea of a perfect date?”

“Dates? Hindi nga ako nakikipag-date, eh. Ako kasi mahilig sa group dates. Hindi ‘yung date-date na dalawa lang kayo,” pananaw ni HB.

“Because I’m not allowed to be seen, so ang hirap no’n di ba? So just it remains private, so the easiest thing to do is mag-drive thru. I had this mistaken notion na naka-shades na ako at hindi na ako mapapansin sa drive thru (sabay tawa), so nag-drive thru tapos naghe-hello sa akin, sabi ko ‘hi.’ It’s stupid I know,” tumatawang kuwento ni Kris.

Dagdag pa niya, “I like long drives na kayong dalawa lang nag-uusap kayo. People who gotten to know me and gotten to know me in a more intimate level know na hindi talaga puwede to go anywhere without someone mentioning it to someone and mention it to someone else and it becomes an issue already.”

Tanong ni HB, “Kaya nga most of the time kapag nasa abroad kayo anonymity ang hinahanap mo, o hindi rin?  Hindi ka rin anonymous sa abroad, eh?”

“Yeah, di ba naglalakad tayo inutusan kang piktyuran ako? (natawa si HB) Anong klaseng abroad ‘yun?” hagalpak na tawa ni Kris.

Tanging nasabi na lang ni HB na natatawa rin, “Actually, totoo ‘yan!  Naglalakad kami tapos may nagsabi, ‘kunan mo nga kami?”

Pagtutuwid ni Kris, “Nirespeto ka naman, sabi ‘mayor kunan mo nga kami kasi idol namin siya?”

“What did your past relationship teach you?”

“Not to get into relationships again,” kaswal na sagot ni Kris.

“Paano ulit, ano ‘yung tanong mo?  Parang wala akong natutunan,” natawang sagot ni HB.

Sinabihan naman siya ni Kris ng, “I-correct kita ro’n ah, (pumayag naman si HB) masasaktan ang mga ex mo sa sinabi mong ‘yan, so dapat be careful.”

Diin ulit ni HB, “Parang wala akong natutunan.”

“Mag-ingat ka sa sagot. Ako inaamin ko that the career path I chose is very selfish. I understand now kung bakit they all ended up hating me,” pag-amin ni Kris.

Biglang sumeryoso si HB, “Ako natutunan ko maging patient, maging quiet, magsasalita lang pag kailangan para walang away.”

“Would you rather be known for your intelligence or looks?”

“My looks. Ha-hahaha! Sorry. It’s already a given, I think.  Kasi ‘yung totoo ha. I’m working on a beautiful medium, so I’m not a college professor, I’m not a teacher, I’m not aiming to have a Phd, so I need this (sabay turo sa face). I need this (turo ulit sa face) for us to continue earning.  At least inaamin ko na kailangan maging vain sa larangan ng pinasok ko,” paliwanag ni Kris.

Natawang sabi ni HB, “Tingin ko ‘yung intelligence kasi wala naman akong looks, eh.”

Seryosong paliwanag niya, “Hindi kasi sa relationship kasi ang mas attractive na nagkakaroon ng total attraction ang mga tao, it starts with physical (muwestra habang nakatingin sa kanya si Kris) sabay emotional ‘yun.  Pero kapag medyo may edad na kayo utak na pinagagana nila between 35 to 40 to 50. So kung there’s nothing to talk about, wala na kayong pinag-usapan.”

“How important is success in your life?”

Unang sumagot si HB, “Para sa akin ang measurement ng success kung paano mo napalaki ang mga anak mo.  We cannot measure success with whatever we have kung anuman ‘yung dinaanan natin sa buhay.

“Para sa akin kung napagtapos mo ang anak mo, maganda ‘yung kanyang buhay, a good citizen, ah successful na ako no’n. That’s for me the measurement of success.”

“Di ba sinabi ko sa ‘yo na double-edged sword na sabi ko I think you would love me more if I’m less successful,” sabi ni Kris kay Bistek na natawa naman ang huli.

Sabay hirit ni HB, “Kahit na successful ka love kita. Ha-hahaha!”

Ang tigas naman ng iling ni Kris, “Hindi! Ha-hahaha! Nasabi ko ‘yan sa ‘yo talaga!”

Sa ganda ng chemistry nila, pwedeng-pwede silang magkaroon ng online show dahil napakarami nilang puwedeng pag-usapan na kapupulutan ng aral ng manonood.

The post Kris, Bistek nagkontrahan sa ibig sabihin ng love; winner pag nagsama sa online talkshow appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments