Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Miyembro ng Ben&Ben ‘mawawala’ muna sa grupo matapos sumailalim sa ‘major surgery’

WALA nang dapat ipag-alala ang mga fans and supporters ng award-winning OPM group na Ben&Ben matapos mapabalita ang tungkol sa health condition ng isa nilang miyembro.

Sumailalim kasi kamakailan sa isang “major surgery” ang percussionist nilang si Toni Muñoz, ito’y base na rin sa announcement na inilabas ng Ben&Ben sa kanilang social media accounts.

Ayon sa official statement ng grupo, pansamantala munang mawawala si Toni sa ilang gigs at mga naka-line up na activities ng Ben&Ben sa naka-schedule sa mga susunod na linggo.

Walang detalyeng ibinigay ang mga miyembro ng grupo tungkol sa pinagdaanang surgery ni Toni pero siniguro mismo ng mga Pinoy musician na okay na ang kundisyon nito sa kasalukuyan.

“Hello! Sharing with you na si Toni, ang aming percussionist-vocalist, ay nag-undergo ng major surgery, kaya pansamantala siyang mawawala sa ibang mga events and shows ng Ben&Ben. let’s pray for her speedy recovery!” ang mensahe ng Ben&Ben sa kanilang Facebook page.

Kasunod nito ang pahayag mismo ni Toni sa kanyang kalagayan. Aniya, “Life update: I underwent a major surgery yesterday morning and it went well! I’m okay!

“There’s still pain, of course, but I feel so much better than yesterday. At alam kong mas magiging okay pa sa mga susunod na araw.

“Salamat sa mga pamilya at kaibigan na nagdasal para sa akin, at sa mga nagpadala ng mga mensahe.

“I promise to take it easy para mabilis akong gumaling nang tuluyan. Your prayers, well-wishes, and messages are very well appreciated!” lahad pa ni Toni.

Huling nakapag-perform si Toni kasama ang kanyang grupo sa isang virtual concert nitong nagdaang New Year’s eve.

Nakilala nang bonggang-bongga ang Ben&Ben hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa mga hit songs nilang “Pagtingin,” “Kathang Isip,” “Ride Home” and “Maybe the Night” na umani na rin ng napakaraming awards.

The post Miyembro ng Ben&Ben ‘mawawala’ muna sa grupo matapos sumailalim sa ‘major surgery’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments