Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ion naiyak sa Showtime; muling pinatunayan kung gaano kamahal si Vice Ganda

LOVE na love talaga ng hunk model-actor na si Ion Perez ang partner niyang si Vice Ganda.

Pinatunayan uli ng binata sa madlang pipol kung gaano na kalalim ang koneksyon nila ng Phenomenal Box-Office Star makalipas ang dalawang taon nilang relasyon.

Sa nakaraang episode ng “It’s Showtime” hindi napigilan ni Ion ang maging emosyonal nang kantahin uli ni Vice ang “Mahal Ako Ng Mahal Ko.” Ito ang kantang isinulat ng TV host-comedian para sa kanya sa tulong na rin ng mag-asawang Moira dela Torre at Jason Marvin.

Nang tanungin ng kanilang mga kasamahan sa noontime show kung bakit tila super affected talaga siya habang kumakanta si Vice, inamin ni Ion na tumatagos talaga sa puso niya kapag naririnig ang “Mahal Ako Ng Mahal Ko.”

“Nakakaiyak pa rin,” pag-amin ng binata. “Basta nakikita ko yung ano natin…nakakaiyak.

“Sobra lang akong nata-touch kapag nakikita ko yung mga picture natin, napagdaanan pala natin iyon nang napakabilis. Hindi mo namalayan,” lahad ng hunk actor-host

Mensahe naman ni Vice habang nakatitig sa kanyang boyfriend, “Thank you dahil kasama kita na pinagdaanan yung mga panahon na iyon.”

Nagpasalamat din siya kina Moira at Jason na tumulong sa kanya para mabuo ang kanta pati na ang arranger nitong si Marvin Querido.

“Maraming-maraming salamat sa inyo sa pagbuo ng awitin na ito dahil ito talaga ang gusto kong iregalo sa kanya noong anniversary namin.

“At saka regalo ko ito sa lahat ng mga nagtagumpay sa paghahanap at pag-aantay ng mga tunay nilang minamahal, sa mga tao na matagal na nalungkot, pero ngayon, masaya na at ngumingiti.

“At sa lahat pa rin na patuloy na umaasa dahil alam naman nating lahat na merong nakalaan para sa atin dahil mahal tayong lahat ni Lord at alam Niyang magiging masaya tayo kapag na-in love tayo.

“Para po sa inyo ang kantang ito. Puwede rin ninyong gamitin sa mga kasal ninyo,” pahayag pa ni Vice Ganda.

Kung matatandaan, unang napanood ang music video ng kanta nang sorpresahin ng TV host-comedian si Ion noong second anniversary nila (Oct. 25 last year) na ginanap sa Enchanted Kingdom.

Ibinahagi ni Vice sa kanyang vlog ang ilang naging kaganapan sa selebrasyon nila kung saan ipinakita ngang umiiyak si Ion habang pinanonood nila ang music video ng kanta.

Ayon kay Vice, “Yung istorya natin, gusto kong i-immortalize. Hindi naman siya magiging pelikula, pero gusto ko kasing ikuwento yung experience ko noong makilala kita hanggang ngayon. So yung damdamin ko, naikuwento ko siya sa isang tula.”

At mula mga sa tulang ito nabuo ang kantang “Mahal Ako Ng Mahal Ko” na habangbuhay nang magiging bahagi ng pagmamahalan nina Ion at Vice.

The post Ion naiyak sa Showtime; muling pinatunayan kung gaano kamahal si Vice Ganda appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments