Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Andi balik-Siargao pagkapanganak: Nabibilang na ang mga araw namin dito sa siyudad…

NAGPA-SWAB test na si Andi Eigenmann bilang bahagi ng preparasyon para sa kanyang panganganak anumang araw mula ngayon.

Ayon sa aktres, muli siyang nagpunta sa isang ospital kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo para sa huling check-up niya bago isilang ang ikatlo nilang baby.

Sa latest vlog na ipinost ni Andi sa kanyang YouTube channel, isa sa mga ibinahagi niya ay ang ginagawa nilang preparasyon sa pagdating ng bago nilang baby, kabilang na nga ang pagtungo nila ni Philmar sa ospital kung saan kasama rin ang nanay ni Andi na si Jaclyn Jose.

Sey ng aktres sa video, “We’re going to our last visit to the hospital to take my swab test and we will self-isolate until the day that I give birth. Pero we’re with Lilo because we don’t have a choice.”

Ipinasilip din ni Andi sa kanyang social media followers ang magiging kwarto ng first baby boy nila ni Philmar.

Aniya, talagang nag-panic siya sa pag-aasikaso ng mga gamit ng sanggol dahil sa last minute preparations.

“We’re doing everything last minute. So, kinabahan ako bigla and nag-panic kaya now, we’re going to make habol to be ready and prepared as we welcome the newest member of our family,” chika ng aktres.

Inamin din ni Andi na karamihan sa mga damit na inihanda niya para kay baby number 3 ay mga “hand-me-downs” o yung mga damit na ginamit noon ng second child niyang si Lilo.

Samantala, kinumpirma rin ni Andi na pagkatapos manganak, babalik na silang pamilya sa Siargao. Halos mag-iisang taon na rin kasi silang narito sa Maynila matapos abutan ng community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

“Our City life is about to end because we’re finally going to go back and live our happy island life and be happy islanders again soon.

“We’re just busy preparing for the arrival of our baby number three and making the most out of our time together, kami-kami lang. Me, and Papa and also Lilo, last few days of being bunso,” kuwento ng aktres.

Pahabol pang chika ni Andi sa kanyang vlog, isisilang niya ang kanyang third baby via caesarian.

“I’m giving birth via ceasarian section so kaya alam namin kung kailan kami manganganak. Kaya alam namin na konti na lang. Nabibilang na ang mga araw namin dito sa siyudad,” pagbabahagi pa ng anak ni Jacly Jose.

The post Andi balik-Siargao pagkapanganak: Nabibilang na ang mga araw namin dito sa siyudad… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments