Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Markus sa mga natuwa kay Baby Jude: Thank you for loving him, thank you for the understanding

NAGPALIWANAG ang Kapamilya actor na si Markus Paterson kung bakit “itinago” muna nila ni Janella Salvador sa publiko ang kanilang baby.

Unang-una, talagang natakot sila na ibandera sa madlang pipol ang pagsilang ni Baby Jude dahil alam nila kung gaano kalupit ang mundo, isama pa ang mga taong walang ginawa sa buhay kundi ang manghusga.

Ayon sa first time daddy, nag-alala siya sa kanyang mag-ina bago pa nila ipagsigawan sa buong mundo na tatay at nanay na sila ni Janella.

“Well ‘yung proseso? Well, alam naman na one day we are going to release him to the world na sobrang natakot kami nu’ng una because we knew that the world is very harsh and right now isn’t the very best environment. Well, now it is. Kaya nga inilabas namin,” paliwanag ni Markus sa online show na “We Rise Together.”

Ang nais lang naman daw nila ni Janella ay proteksyunan ang  kanilang baby sa mga kanegahan ng mundo at sa mga masasakit na sasabihin ng ibang tao.

“Pero noong una, talagang we want to shield him from everything and keep everything as quiet as possible,” sabi pa ni Markus.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga taong pinagkatiwalaan nila ng kanilang “sikreto” dahil talagang pinrotektahan din ng mga ito si Baby Jude.

“Una sa lahat, shoutout sa lahat ng close friends and family namin that kept the secret with us. That helped us throughout the journey.

“Pero ‘yun he is out, he is happy, he is growing, he’s fat and we are happy. And everything is beautiful,” sey pa ng aktor.

Mensahe pa niya, “I know it’s such a beautiful way to start the year for me and for everybody else and we thought na 2021, fresh page na parang let’s just leave everything out there.

“Thank you to everyone who watched the video and joined our journey. Thank you for getting to know Jude, thank you for loving him. Also thank you for the understanding.

“Grabe, hindi talaga namin in-expect ‘yung reaction na ‘yon but I guess it was really the perfect time na matagal na ring nakaplano. We’re just happy na maganda ‘yung video, maganda ‘yung introduction.

“I can’t wait for Jude to watch it and appreciate it because I know he will, hopefully sana, baka magalit sa akin ‘yan at sabihin ang corny ko. Sa lahat nang nanood at sumuporta sa kanya, sa amin, thank you lang ulit,” ang pahabol pa niyang pahayag.

The post Markus sa mga natuwa kay Baby Jude: Thank you for loving him, thank you for the understanding appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments