Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Anak nina Paolo at LJ pwede na sa ‘baliw’ role; Katrina magpapatayo ng dream house sa El Nido

ALIW na aliw ang mga netizens sa bagong paandar ng bibong anak nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Summer.

Ipinost ng Kapuso actor ang latest video ng #Acting101 ni Baby Summer kung saan mapapanood ang pagtuturo sa kanya ni Daddy Paolo ng ilang acting tips.

In fairness, talagang bata pa lang ay kakikitaan na ng future si Summer sa larangan ng pag-arte. Sa isang cue lang kasi ng kanyang tatay ay agad na niyang mababago ang facial expression.

“When I say action you’re sad ha,” ang simulang instruction kay Summer ng Kapuso comedian sa kanilang video. Dugtong pa ni Daddy Pao, “Tapos biglang smile ha, tapos biglang na-sad ulit.”

Sinunod naman ni Summer ang lahat ng iniutos ng ama. At nang hilingin ng bagets na makita ang kanyang eksena, humirit si Paolo ng, “Anong see, preview agad? Attitude!”

Ayon kay Paolo, medyo “advanced” na ang acting skills ni Summer ngayon kumpara sa mga una niyang “arte-arte” video.

“Medyo advance acting na to ha! Malungkot, tapos tatawa??? Anak!! Pwede ka na sa baliw roles!” ang birong chika ni Paolo sa kanyang caption.

                           * * *

Isa sa mga plano ng Kapuso actress na si Katrina Halili ngayong 2021 ay ang makapagpatayo ng kanyang dream house sa El Nido, Palawan.

Ayon kay Kat, wala pa siyang bahay sa kanilang probinsya, ang tinutuluyan daw nila roon ay ang bahay ng kanyang ina.

“Goals for 2021? Magpatayo ng bahay sa El Nido. Wala akong sariling house. Bahay ‘yun ng Mama ko. So, papatayo ako ng bahay,” sabi ng aktres sa panayam ng GMA.

At ngayong 2021, mas bibigyan ng extra attention ni Katrina ang kanyang kalusugan at pamilya.

“Siyempre, to eat healthy kailangan. Mag-ipon, mag-ipon, mag-ipon. Tsaka make time for my family,” aniya.

Aminado si Kat na naging overworked siya sa mga nakalipas na taon kaya babawi siya sa sarili, sa kanyang anak at sa pamilya ngayong Bagong Taon.

“Maigsi lang po ‘yung buhay natin kaya nga napagtanto ko napag-isip-isip ko na talagang magme-make time ako sa family ko kasi sobrang workaholic ako. Ngayon gusto kong i-treasure, kasama ang family ko,” sey pa ng Kapuso star.

Sa El Nido, Palawan nag-celebrate ng holiday season si Katrina kasama ang anak nila ni Kris Lawrence na si  Katie.

The post Anak nina Paolo at LJ pwede na sa ‘baliw’ role; Katrina magpapatayo ng dream house sa El Nido appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments