Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mavy, Cassy bawal pa ring magdyowa kahit 20 na

TOTOO nga kayang bawal pang magkaroon ng seryosohang relasyon ang super twins na sina Mavy at Cassy Legaspi?

Last January 6, nag-celebrate ng kanilang 20th birthday ang kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Isang simpleng sorpresa ang inihanda ng kanilang parents para sa pagsalubong sa kaarawan nila.

Sa Instagram, ibinahagi ni Carmina ang ilang videos at photos ng kanilang selebrasyon na may caption na, “Happy Happy Birthday to our super twins- @mavylegaspi @cassy We love you so much Best birthday gift ever! Thank you so much GOD!”

Maganda ang pasok ng Bagong Taon para kina Mavy at Cassy dahil pareho silang magiging busy sa kanilang mga career.

Si Cassy ay kabilang sa upcoming romantic primetime series na “First Yaya” kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez habang si Mavy naman ay bahagi ng youth comedy-gag-variety show na “Flex” na mapapanood sa GMA News TV. Patuloy pa rin silang napapanood sa “All-Out Sundays” tuwing Linggo.

At sa nakaraang episode nga ng “AOS”, binigyan din ng pa-birthday surprise ang kambal kung saan sila nagpalitan ng mensahe.

Sabi ni Mavy, “Siyempre, ang wish ko for Cass, sana matupad lahat ng dreams niya. I know she works hard for it.” Napailing lang si Mavy nang mapag-usapan ang tungkol sa lovelife.

Mensahe naman ni Cassy para sa kapatid, “Same thing din, na I hope you get to fulfill all your dreams and sana masaya ka lang. Tungkol sa lovelife bawal din siya, so sa lahat ng mga babae diyan…” ang biting chika ng dalaga.

Ngunit kahit bawal pa silang makipag-date o pumasok sa serious relationship, inamin ni Cassy sa kanilang “Bukingan Time with the Legaspi Twins” vlog na feeling niya mas mauuna siyang magkaroon ng dyowa kesa kay Mavy.

Samantala, excited na si Cassy sa kanilang upcoming romcom series na “My First Yaya” kung saan bibinyagan na nga siya bilang aktres. Ito kasi ang first time na pagsabak niya sa teleserye.

Aniya, “Super saya siya. No regrets, I love it. They’re my new family. I’m so excited.”

The post Mavy, Cassy bawal pa ring magdyowa kahit 20 na appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments