“BABIES” ang tawag ng magdyowang Kiray Celis at Stephan Estopia sa kanilang mga tagasuporta.
Ipinaliwanag ng dalawa sa ginawa nilang vlog kung bakit nga ganito ang tawag nila sa mga taong botong-boto sa kanilang relasyon.
Aliw na aliw ang mga nakapanood sa nasabing YouTube video kung saan sumabak nga sila sa “My boyfriend does my make-up” challenge habang ibinabahagi ang kanilang love story.
Ang isa nga sa mga tanong ng netizens na sinagot nina Kiray at Stephan ay kung bakit “babies” ang tawag nila sa kanilang fans and social media followers.
“Bakit nga ba babies ang tawag namin sa inyo? Kasi ang tawagan namin sa isa’t isa ay ‘mommy’ at ‘daddy.’ Ewan ko kung bakit ganu’n. Kasi noong hindi pa kami, nagpaparinig siya. Sabi, ‘Kapag nagkadyowa ako, gusto ko tawagan namin ‘mommy’ at ‘daddy.’
“Sabi niya mommy at daddy para pang forever na. Ganern. Ewan ko, noong naging kami, ‘yun na ‘yung tawagan namin sa isa’t isa. So since siya si daddy, ako si mommy, tatawagin namin kayo ng aming mga babies,” sey ng Kapuso comedienne.
Ikinuwento rin ni Kiray kung paano nag-start ang kanilang love story, “Best friend siya ng kapatid ko for 10 years. And then, since get[ting] to know us naman ‘to, hindi talaga kami nag-uusap every time na nagkikita kami, as in hindi talaga.
“Pero, magkakilala kami. Lagi kasi siya dito sa bahay namin, sa lumang bahay pa namin hanggang eto na, sa sarili naming bahay lagi siyang pumupunta,” lahad ng dalaga.
At nang dahil sa paglalaro ng Mobile Legends o ML ay na-develop sila sa isa’t isa, “Meron akong boyfriend na medyo matagal tapos naging single ako. Tapos nakalaro ko siya after two months ata ng paka-single ko. Nag-ML kami.
“Parang may isang laro, ang sakit ng pagkatalo namin. Lumalaban na kami sa gitna tapos wala na pala kaming tore.
“Ang sakit talaga. Parang panalo na pero natalo pa. Tapos sabi niya sa akin, ‘Okay lang matalo sa laro, ‘wag lang sa pag-ibig,’” chika pa ng komedyana.
Nakikita na rin daw nila ang mga sarili na magkasama sa future kapag nag-level up na ang kanilang relasyon. Sa lahat naman daw ng mga magdyowa ay yun ang tinatarget, ang magkaroon ng forever.
Sinagot din ni Stephan ang tanong kung may plano ba siyang mag-artista at makatrabaho si Kiray. Aniya, “Wala akong balak pumasok sa pag-aartista. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Ikaw (Kiray) na lang sa showbiz, ako ok na ako dito.”
The post Kiray ‘daddy’ na ang tawag sa dyowa; Stephan may balak din bang mag-showbiz? appeared first on Bandera.
0 Comments