Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Charlie Dizon handa bang makipagsabayan kay Ivana Alawi?

HINDI pa naiisip ng 2020 Metro Manila Film Festival best actress na si Charlie Dizon kung tuluyan na siyang sasabak sa pagiging sexy actress.

Palaban at nagpaka-daring na kasi ang Kapamilya youngstar sa MMFF entry nila ni Paulo Avelino na “Fan Girl” kaya marami ang nagsasabi na baka sa pagiging sexy-drama star na rin ang tahakin niyang career path tulad ni Ivana Alawi at ng iba pang sikat na sexy stars.

Sey ni Charlie, kung ano raw ang magiging desisyon ng ABS-CBN para sa kanya ay susundin niya. Nagtitiwala raw siya sa plano ng management sa showbiz career niya.

Natanong si Charlie sa ginanap na mediacon ng pinakabagong handog ng iWanTFC, ang horror drama anthology na “Horrorscope” kung ano na ang mga next plan niya matapos magwagi ng best actress.

“Actually hindi ko talaga alam. Hindi pa namin napag-uusapan. Pero abangan natin. Sana magsunod-sunod na rin yung projects kasi gusto ko na rin ulit magtrabaho,” aniya.

Sunod na tanong sa dalaga, kung ang pagiging sexy actress na ang tatahakin ng kanyang career, “Hindi ko pa naiisip yun, pero gusto ko lang sabihin na naniniwala ako sa management kung ano yung makakaganda sa akin.”

Samantala, may takot man dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, mas maganda na raw ang magtrabaho kesa nakatengga lang sa bahay sabi ni Charlie. Istrikto naman daw na ipinatutupad sa mga lock-in taping ang safety protocols.

Nang i-offer nga raw sa kanya ang isang episode ng “Horrorscope” ay tinanggap niya agad, “Ang naisip ko agad nu’n napakasuwerte ko na may nagbibigay ng trabaho during nu’ng pandemya kasi yun yung time na ang tagal ng lahat nawalan ng trabaho and ang tagal nag-stay sa bahay.

“So lahat talaga nu’ng time na yun tinatanggap ko and nu’ng nakita ko yung character description pa lang and nu’ng nag-script reading kami nakita ko na maganda talaga yung gagawin namin na episode.

“Nakita ko rin gaano ka-hands on ni direk Ato (Bautista) kahit du’n sa script reading pa lang. So nakita ko na maganda yung vision niya para sa project. So yun din yung nakapag-pa-oo sa akin kahit mahirap yung lock-in taping ng pandemic.

“Pero sobrang saya kasi kapag nasa lock-in taping kasi nagiging totoo yung chemstry lalo ng actors and mas focused lahat.

“Hindi lang yung actors, pati yung mga staff parang mas focused ang lahat sa ginagawa nila kahit isang araw lang kami nag-taping nu’n,” esplika pa ng dalaga

Ayon kay Charlie, na gaganap na baguhang pulis sa “Horroscope,” nakaka-relate siya sa kanyang karakter, “Kabahin akong tao pero mas nananaig pa rin yung tapang. So mas gusto ko pa rin na malaman agad yung totoo.

“Kasi from there mas makakaisip ako ng plano kung ano yung dapat gawin or mas makaka-move on ako. Pero kung mabuti naman yung katotohanan, eh di mas okay na tanggapin na lang,” sey pa niya.

Naniniwala ba siya sa mga horoscope? “Kapag nababasa ko maganda naniniwala ako. Pero kapag hindi dinededma ko agad. Ha-hahaha!”

The post Charlie Dizon handa bang makipagsabayan kay Ivana Alawi? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments