Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mga sasakyan nilamon ng sinkhole sa carpark ng ospital sa Italy

Ang aerial view ng sinkhole sa carpark ng Ospedale del Mare sa Naples, Italy. (AFP) 

ROME–Inilikas ang mga pasyente sa isang ospital sa Naples nitong Biyernes matapos na ang malaking bahagi ng carpark nito ay lumubog.

Walang nasaktan sa insidente bagama’t ilang sasakyan ang nawasak matapos mahulog sa sinkhole na may sukat na 500 metro kwadrado (5,400 square feet), ayon sa mga rumespondeng bumbero.

Naputol ang suplay ng tubig at koryente sa Ospedale del Mare.

Ayon kay Vincenzo De Luca, pinuno ng rehiyon ng Campania na kinabibilangan ng Naples, na “maswerte na rin na hindi ito lumikha ng pinsala sa sistema ng engineering (ng ospital) at lalupa sa buhay ng mga tao.”

Sinabi niya na “hydro-geological” ang sanhi ng biglang paglubog ng lupa.

Ang Ospedale del Mare ay sentrong medical facility na pinagdadalhan ng mga pasyenteng may sakit na coronavirus sa unang bahagi ng pananalasa ng pandemya sa Italya noong nakaraang taon. Nitong Biyernes, anim lamang na may Covid-19 ang nasa ospital.

Pansamantalang isinarado ang ward section nito dahil walang suplay ng tubig at elektrisidad.

The post Mga sasakyan nilamon ng sinkhole sa carpark ng ospital sa Italy appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments