Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Joshua umamin kay Enchong: May dumating na point na yumabang ako

DIRETSAHANG inamin ng Kapamilya young actor na si Joshua Garcia na dumating din sa puntong yumabang din siya dahil sa tinatamasang kasikatan.

Sa pakikipagchikahan ng binata kay Enchong Dee na mapapanood sa bagong vlog nito sa YouTube, sinabi niyang medyo tumaas ang naging tingin niya sa sarili lalo na noong kasagsagan ng sunud-sunod niyang proyekto sa ABS-CBN.

“May dumating na point na yumabang ako,” ang pag-amin ni Joshua kay Enchong.

Sinundan ito ng tanong kung nangyari ba ito noong kasikatan ng loveteam nila ni Julia Barretto, tugon ni Joshua, “’Yun ‘yung time na parang feeling ko, hindi ako ‘yun.”

Paliwanag ni Enchong, kaya raw niya naitanong ito sa kanyang kaibigan ay dahil, “I feel like nakita ko ‘yung part na ‘yun. Weirdong weirdo kami kay Joshua Garcia. Kasi nakita ko siya sa ‘PBB.’

“Tapos nakita ko ‘yung difference nung kasagsagan ng love team niyo ni Julia. Dumadating sa rehearsal, naka-shades, ‘yung parang John Lloyd Cruz,” chika ni Enchong.

Reaksyon naman dito ni Joshua, “May time na yumabang ako pero hindi ko naman inisip na parang next John Lloyd. Hindi ko alam, kasi every time nagkakaroon ako ng relationship, nag-iiba talaga ako.”

Proud naman si Enchong sa binata dahil nagkusa na itong baguhin ang kanyang mga nagawang sablay noon at pinipilit na mas maging mabuting tao at professional sa career.

“Hindi kasi natin mararamdaman na yumabang talaga tayo. It’s always other people that will see it and will feel it. Because I see you now, mas ikaw ito.

“Mas relax ka. ‘Yung natural and very light Joshua. But I am happy that you know that it happened to you and you know that you need to adjust,” paliwanag pa ni Enchong.

Nauna rito, umamin si Joshua na naisip din niya na lumipat ng TV network noong mawalan nang tuluyang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

“Sumagi sa isip ko, pero hindi ko magawa. Ibang relationship ‘yung na-build ko with ABS, e. Parang naging pamilya ko sila. Parang hindi ko kayang iwan. Mananatili na ‘yung loyalty ko na sa ABS.

“Siguro, nadala lang ako kasi magsasara na ‘yung ABS, tapos may pandemic pa. Kailangan ko kumita ng pera para sa pamilya ko. Eventually, magiging okay din lahat, e, unti-unti,” chika pa ng binata.

The post Joshua umamin kay Enchong: May dumating na point na yumabang ako appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments