Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Gerald, Iza, Barbie, Loisa kinondena ang pambababoy kina Sue at Maris: Dapat may managot!

KINONDENA ng ilang Kapamilya stars ang pambabastos kina Sue Ramirez at Maris Racal sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kanilang pekeng nude photo.

Naging hot topic kagabi sa social media ang pag-eedit at pagpo-post sa internet ng swimsuit photo ng magkaibigang young actress.

Galit na galit na nag-react sina Sue at Maris nang makita ang photoshopped na litrato kasabay ng pagbabanta ng ABS-CBN na kakasuhan ang mga taong nasa likod nito.

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sa inyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.

“THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung saan nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me ge to the bottom of this.

“HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO,” pahayag ni Sue sa kanyang Instagram account.

Tweet naman ni Maris, “There’s an edited photo of Sue and I spreading online. Kung sino man ang nag edit nun, wala kang utak. Itigil na ang pambababoy ng katawan ng mga babae. Pagaari namin ‘to. 2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na.”

Ilang kaibigan naman ng dalawang aktres ang nagpakita ng suporta sa kanila at kinondena nga ang pagpapakalat ng fake nude photo.

Sa kanyang Instagram Story, ni-repost ni Gerald Anderson ang official statement ng ABS-CBN hinggil sa kontrobersya. Nilagyan niya ito ng ilalim ng salitang “RESPETO”.

Naging leading lady ni Gerald si Sue sa Kapamilya primetime series na “A Soldier’s Heart” last year kaya siguradong naapektuhan din ito sa pambabastos sa dalaga at kay Maris.

Rumesbak din ang isa pang Star Magic artist at boyfriend ni Sue na si Javi Benitez sa pamamagitan ng Twitter. Ipinost nito ang isang suspended Twitter account na maaaring may kinalaman sa pagpapakalat ng pekeng hubo’t hubad na litrato nina Sue at Maris.

Ani Javi: “Thank you @twitter, and those who reported this. Let’s be vigilant so this doesn’t happen again for all the other future victims out there.”

Nagkomento naman si Iza Calzado sa post ni Sue na nagsabing dapat lang turuan ng leksyon ang mga bastos na netizen.

“Sue and Maris, I am so sorry to see this. I hope you find the people behind this.

“Thank you for using your platform, your voice, to try and put an end to this horrible, disgusting behavior. Hold them accountable so they may learn their lesson,” pahayag ni Iza.

Sey naman ni Barbie Imperial, “Ang tanga lang ng gumawa neto!!! (angry emoji).”

Pahayag naman ng kaibigan ni Maris at dating kasamahan sa “PBB” na si Loisa Andalio,, “May karma sa mga yan (sad face emoji).”

The post Gerald, Iza, Barbie, Loisa kinondena ang pambababoy kina Sue at Maris: Dapat may managot! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments