Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Hirit ni Willie sa biglang pagkawala ni Ariella sa Wowowin: Gusto kong tampalin ‘yan…

MULING umapir ang dating beauty queen at TV host na si Ariella Arida sa “Wowowin: Tutok to Win” ng GMA nitong nagdaang weekend.

Isa si Ariella sa mga dating co-host ni Willie Revillame kasama sina Donita Nose at Super Tekla sa nasabing programa ngunit bigla na lamang siyang nawala.

Kaya nang mag-guest ang dalaga sa nasabing Kapuso game show na itinuturing na rin ngayon bilang isang public service program, natanong siya kung ano nga ba ang tunay na dahilan.

Mismong ang kaibigan ni Willie na si direk Edgar Mortiz ang nagtanong kay Ariella kung bakit siya nagbabu sa show, “Nakikita na kasi kita dito sa studio noon kapag bumibisita ako kay Willie.

“Ano’ng nangyari? Na-in love ka ba o ano?” diretsahang tanong ni direk Bobot.

Natawa lang si Ariella sa hirit ng direktor at tumitingin kay Willie na tila nagpapasaklolo sa kanyang isasagot. Kaya naman birong sabi ng TV host, “Gusto kong tampalin ‘yan, e.”

Nagtawanan naman ang lahat ng tao sa studio, kabilang na si Ariella.

Kuwento ni Willie, ang beauty queen sana ang napipisil niyang humalili sa kanya bilang main host ng “Wowowin” nang magkasakit siya nu’ng mga panahong yun.

Pero bigla raw nagpaalam sa kanya ang dalaga na may imbitasyon siya sa isang event ng Miss Universe na hindi niya matanggihan at meron na raw siyang ticket patungo sa ibang bansa.

Hirit pa ni Willie, “Baka akala ng mga tao tinatanggal ko ang mga co-host, hindi ho sila ang nawawala.

“Lagi kasi akong sinisisi, ‘Tinanggal na naman ‘yan, kukuha ng panibago kasi may edad na ‘yan,'” sey pa ng TV host-comedian na sinundan uli ng tawanan ng mga nasa studio.

Ang maganda raw kay Ariella, hindi ito nagsunog ng tulay dahil regular pa rin itong nangungumusta. Sa katunayan, binibisita rin niya si Willie sa bahay nito sa Tagaytay with matching regalo pa.

Sa huli, muling ipinagdiinan ng komedyante na hindi siya nagpapalayas o nagtatanggal ng co-host nang walang balidong rason kung saan nabanggit din niya ang biglang pagkawala rin noon sa programa ni Super Tekla.

“Tandaan n’yo ho ang patakaran ko lang sa programang ito is be professional.

“Kapag one minute late umuuwi talaga sa akin ‘yan, eh. Bakit yung mga janitor galing ng Batangas, galing ng malalayong lugar, magkano lang suweldo niyan P550 lang pero on time, di ba?

“Eh, kayo daang-daang libo ang sinusuweldo n’yo tapos…” ang biting birong paalala ni Willie kasunod ang paalala sa kanyang mga katrabaho na mahalin ng mga ito ang “Wowowin” dahil isa ito sa magpapabago sa takbo ng buhay nila.

The post Hirit ni Willie sa biglang pagkawala ni Ariella sa Wowowin: Gusto kong tampalin ‘yan… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments