Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Banat ni Loisa sa laiterang basher: Inagawan ba kita ng dyowa? Kinuha ko ba ari-arian mo?

“WALANG basagan ng trip naman, guys!” Ito ang isa sa mga hugot ng Kapamilya young actress na si Loisa Andalio nang sagutin ang ilang hate  comments ng mga basher sa social media.

Aminado ang dalaga na nanggigigil siya sa mga netizens na walang ginawa sa buhay kundi ang laitin at okrayin siya, kabilang na ang mga ipino-post niyang mga litrato sa Instagram.

Ayon sa aktres, ito raw ang rason kung bakit hindi na talaga siya nagbabasa ng mga komento ng bashers sa socmed.

May mga netizens daw na nagko-comment ng negative pero marespeto pa rin pero meron ding tagos ang panglalait na gusto lang talagang manira ng kapwa.

Sa isang vlog sa YouTube, humarap sa madlang pipol si Loisa kasama ang boyfriend niyang si Ronnie Alonte para basahin at magkomento sa mean comments ng kanilang mga bashers.

Una na nga riyan ang pagsagot ni Loisa sa isang hater na nagsabing nagparetoke siya kaya ibang-iba na ang kanyang itsura.

Sey ng hater, “Retokadang-retokada ang fez ni loisa andalio ngayon ah. no offense.”

Sagot ni Loisa sa kanya, “Wala akong ginawa. Never akong nagparetoke. As in hindi ako nagparetoke talaga.

“Hindi ko rin pinangarap na magparetoke. Kumbaga, ayokong baguhin ang hitsura ko,” aniya pa.

Wala naman daw siyang issue sa pagpaparetoke at hindi siya against sa mga nagpapagawa ng kanilang itsura, “Okay lang i-enhance. Hindi ako ano du’n, wala akong problema sa mga nagpapa-enhance.

“Pero sa nakikita ko, wala naman dapat i-enhance. Wow, lakas!” natatawang chika pa ni Loisa.

Dito, inamin naman ng dalaga na naisip din niyang magparetoke noong medyo bata pa siya, “Dati gusto ko magpapayat, lipo (liposuction), di ba? Uso yun dati. Dinaan ko sa diet. Doon ko na-realize na, ‘Ay, di ko pala kailangan. Kaya naman pala.’”

At sa mga tumatawag sa kanyang “Edit Queen” dahil puro edited naman daw ang mga litratong ipino-post niya sa socmed, “Yung mga ganitong comment naman, hindi ko na pinapansin kasi nakakatawa lang naman yung mga ganyan.

“Tsaka kapag nag-e-edit ng picture, walang basagan ng trip naman, guys,” hirit pa ng young actress.

May nagsabi na rin daw sa kanya ng “bobo, tanga, inutil at malandi,” sagot niya rito, “Lahat ng masasama at masasakit na salita, sinabi mo na sa akin. Inagawan ba kita ng dyowa? Ari-arian mo kinuha ko? Grabe naman yung inutil.

“Hindi ako nahe-hurt, pero kayong mga bashers, bawas-bawasan niyo ang ganyan kasi pangdya-judge ‘yan.

“Dati talaga sumasagot ako sa mga bashers, pero mas nakaya ko siyang i-handle kasi, parang, thank you kasi parang may time kayo na i-bash kami.

“May time kayo na tingnan yung nangyayari sa buhay namin. Kumbaga, pinag-aaksayahan niyo kami ng panahon kahit parang hindi kayo natutuwa,” pahayag pa ng girlfriend ni Ronnie.

Samantala, sinagot naman ni Ronnie ang akusasyon ng ilang bashers na ginagamit lang niya si Loisa para sa kanyang career. Bukod dito, binasag din niya ang mga netizens na nagsabing “tanga” ang LoiNie fans.

“Apat na taon na kami may nasasabi ka pa, di ba?! God bless, pasensiya. Anong napipilitan? Nasaan ang napipilitan? Four years na tayo, Bhe.

“At saka yung mga fans, hindi tanga ‘yan. Hindi namin binayaran para sumuporta sa amin. Sumuportang kusa ‘yan kaya ‘wag mong tinatanga,” depensa ng binata.

Sey pa ni Ronnie, “Dahil sa career, hello! Putik! Sino ba idol mo? Bago kami nagkakilala ni Loisa, hindi ko kinailangan para sa career. Hindi ako user, no!”

The post Banat ni Loisa sa laiterang basher: Inagawan ba kita ng dyowa? Kinuha ko ba ari-arian mo? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments