Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Anne bonggang ‘tula’ ang b-day gift kay Erwan; bagong pamunuan ng PMPC ibinandera

SUMULAT ng isang tula ang actress-TV host na si Anne Curtis para sa birthday ng asawa niyang si Erwan Heussaff.

Ipinost ito ng Kapamilya star sa kanyang Instagram account kalakip ang litrato nila ni Erwan kasama ang anak nilang si Dahlia Amelie.

Ayon kay Anne, nagpapasalamat siya sa kanyang mister dahil sa pag-aalaga sa kanila ni Baby Dahlia lalo na ngayong panahon ng pandemya kasabay ng pangakong lagi niya itong susuportahan.

Narito ang kabuuan ng tulang inialay ni Anne kay Erwan bilang birhday gift.

“Another year for you around the sun,

“Spending the past year so intimately with you has been quite fun.

“Hoping this year that has just begun, brings all your wishes, dreams & goals one by one.

“We will always be here to support you and cheer you on.

“You mean the the world to us and we love you very much, Erwan.”

“Hope you like my little poem,” ang panghuling mensahe pa ng aktres para sa kanyang mister.

Nasa Australia pa rin ang pamilya ni Anne at wala pa siyang nababanggit kung kailan sila babalik sa Pilipinas. Pero ang plano niya, gusto muna ni Anne na mag-focus sa pagpapalaki kay Baby Dahlia bago siya tuluyang bumalik sa showbiz.

                         * * *

Naihalal na ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap ang eleksyon nitong nagdaang Jan. 8, sa  opisina ng grupo sa Roces Avenue, Quezon City.

Ang entertainment editor ng Abante Tonite na si Roldan Castro ang nahalal na bagong Presidente. Ito ang ikatlong beses na pamumunuan niya ang PMPC.

Una siyang naging pangulo noong 2009 at nasundan ito noong 2012, “Challenging ang pamumuno ngayong pandemya kaya sana ay sama-sama at magkaisa sa pagtataguyod ng club,” sabi ng bagong halal na Pangulo ng PMPC.

Bukod kay Roldan ang mga bagong officer ng PMPC ay kinabibilangan nina Fernan de Guzman bilang Vice President, Mell Navarro bilang Secretary at Mildred Bacud bilang Assistant Secretary.

Si Boy Romero pa rin ang Treasurer ng club habang Assistant Treasurer naman si Lourdes Fabian. Si John Fontanilla naman ang Auditor at nahalal  namang PRO sina Rodel Fernando at Leony Garcia. Ang Board of Directors ay binubuo naman  nina Sandy Mariano, Joe Barrameda,  Eric Borromeo, Timmy Basil, Rommel Placente at Francis Simeon

Sa  bagong pamunuang ito, ay hinahangad ng PMPC ang lalo pang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng club. Asahan na rin ang mga makabuluhang proyekto na isasakatuparan ng naturang samahan.

Nakatakda namang ianunsiyo sa mga darating na araw ang lanunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyales.

The post Anne bonggang ‘tula’ ang b-day gift kay Erwan; bagong pamunuan ng PMPC ibinandera appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments