Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Marian ayaw pakawalan ng advertisers; Dingdong unang pasabog ni Rhea Tan sa 2021

“KAYA ka nananatiling nasa taas  kasi napaka-humble mong tao.”

Bahagi yan ng appreciation post ng President at CEO ng Beautéderm Corporation na si Rhea Anicoche-Tan para sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Puring-puri niya ang kabaitan at pagiging totoo ni Marian bilang kaibigan, katrabaho at “partner” sa negosyo. Aniya, parang tunay na kapatid na rin ang turingan nila sa isa’t isa.

“What more can I ask for?

Hindi ko lang endorser ang isang nag-iisang Primetime Queen, Darna, Dyesebel, at MariMar kungdi kapatid ko na rin siya. Akalain mo un? Isa syang Marian Rivera-Dantes!

“Ang laki niyang artista pero ni minsan hindi niya pinaramdam sa akin yun. Lagi kami nagkakamustahan, inaask niya kung ano pa ang pwedeng gawin to promote our products. Ramdam na ramdam ko yung concern niya.

“Nandun ung genuine love nya sa ineendorse nya. Kaya no wonder ayaw syang bitawan ng mga companies na inendorso nya.

“Tas nung birthday ko, gift niya sakin yung pictorial naming tatlo kasama ang kanyang asawa na si Dingdong. And kahit sa video makikita naman natin na sinabi niya, ‘Pic pa tayo, baka magamit ni Ate.’

“Marian Rivera thank you. I am grateful for you everyday. Kaya ka nananatiling nasa taas kasi napaka-humble  mong tao.

“This is what family is all about. Thank you for loving me unconditionally. Thank you  for this wonderful, heartfelt gift.

“Nakapaselfless offering ng footage mo with Dingdong. Salamat. Mas lalo kita minamahal,” ang kabuuang mensahe ng matagumpay na negosyante para kay Marian.

* * *

Patuloy ang Beautéderm sa pag-level-up at sa pagpapalaganap ng good vibes ngayong 2021 sa pormal nitong pagsalubong sa asawa ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes sa roster ng A-List endorsers nito.

Si Dingdong, na ang kamangha-manghang karera ay tumatakbo ng halos apat na dekada, ay isa na ngayon sa mga most celebrated at most respected na aktor sa industriya.

With a consistent string of top-rating primetime TV series and blockbuster movies under his belt, si Dingdong na kaka-40 lang ay hindi immune sa mga tolls ng kanyang hectic career na malaki ang epekto sa youthful glow ng kanyang balat. Kaya naman perfect sa kanya ang maging brand ambassador ng Beautéderm Cristaux Supreme.

“Kailangan din naming mga lalake na alagaan ang aming balat. Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen at bilang isang aktor, araw araw ko itong giangamit to maintain the youthfulness of my skin. This is really age defying,” sabi ng award-winning actor na bumida sa katatapos lang na top rating primetime series sa GMA 7 na “Descendants Of The Sun.”

Ipinaliwanag naman ni Rhea Tan ang wondrous effects ng nasabing brand, “Dalawang taon na worth of wrinkles ang binubura nito in just two months of regular use. Very hard-working si Dingdong at ang mahahabang oras na ginugugol niya sa set ng kanyang trabaho will really give his face unwanted lines and wrinkles, at ito nga ang pinaka-ideal na serum para sa kanyang lifestyle.”

“I’m very much aware of the long-term effects of my work to my skin lalo na ngayong 40 na ako. I encourage every man to use an effective skin regimen as it will surely keep us looking fresh and youthful,” dagdag pa ni Dingdong.

Espesyal na taon ang 2021 para sa Beautéderm dahil minamarkahan nito ang 12th anniversary ng kumpanya at ang launch ni Dingdong bilang brand ambassador ay una pa lamang sa maraming sorpresa na inihanda ni Rhea para sa Bagong Taon.

Sabi pa ni Dingdong, “Nakikita at nararamdaman ko na kung bakit ang saya-saya ni Marian. Beautéderm really is a happy and fun family. Maliban sa aking asawa, a lot of my friends are part of the brand as ambassadors. Excited ako sa lahat ng promotional activities na gagawin namin ngayong 2021. I am so grateful and honored that Rhea got me to be part of their family and this for sure, will be an unforgettable partnership.”

Para sa mga karagdagang impormasyon at exciting updates kay Dingdong Dantes, sundan lang ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

The post Marian ayaw pakawalan ng advertisers; Dingdong unang pasabog ni Rhea Tan sa 2021 appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments