MULING nagkita ang mga bida ng 90’s classic adaptation film na “Cedie: Ang Munting Prinsipe” na sina Ronaldo Valdez at Tom Taus matapos ang halos tatlong dekada.
Kung maaalala, si Ronaldo ang gumanap na lolo ni Tom sa nasabing pelikula noong 1996.
Sa Instagram, masayang-masayang ibinandera ng batikang aktor ang ilang litrato ng reunion nila ni Tom.
“Before Eloy, there was Cedie,” caption pa niya na kung saan ay nabanggit nga niya ang karakter ni Daniel Padilla sa pelikulang “2 Good 2 Be True.”
Dagdag pa ni Ronaldo, “Reunited after 27 years!!! It was indeed a great catch up!”
View this post on Instagram
Makikita sa uploaded pictures na kumain ang dalawa sa isang restaurant kasama ang dating talent manager na si Jamela Santos.
Ibinunyag pa ng batikang aktor na si Jamela ang dahilan kaya nagkasama sila ni Tom.
Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez super touched sa pa-tribute ni Kathryn Bernardo: Pinaiyak mo ko, kainis ka!’
Mapapansin din sa nasabing post na nag-comment si Tom at lubos pang nagpapasalamat.
“It was truly wonderful to see you, Tito Ronaldo! Thank you for this special time together,” comment ng dating child actor.
Bukod diyan ay bumuhos rin siyempre ang mga komento mula sa netizens na napa-throwback sa mga bidang karakter ng dalawa bilang “Mahal na Conde” at “Master Cedric.”
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Tinalo ng CEDIE at SARAH ang disney noon. Only batang 90s knows.”
“We the batang 90s would understand how great this reunion is…”
“Nakaka-teary eye naman I’m a fan talaga [red heart emoji] Ang galing..bait naman ni cCdie hindi nakalimot sa lolo niya.”
Para sa kaalaman ng marami, ang “Cedie” ay isang Pinoy movie adaptation ng 1988 Japanese animated series na pinamagatang “Little Lord Fauntleroy.”
Ilan pa sa mga tampok sa movie adaptation ay sina Jaclyn Jose, Carlo Aquino, pati na rin ang mga yumaong artista na sina Mark Gil at Anita Linda.
Related Chika:
The post Ronaldo Valdez ‘super happy’ sa bonding nila ni Tom Taus: Reunited after 27 years!!! appeared first on Bandera.
0 Comments