TODO papuri at binigyang-pugay ng aktres na si Jennica Garcia ang isang babaeng driver na na-book niya sa Grab.
Sa Facebook, proud na ibinandera ng aktres ang selfie nilang dalawa kalakip ang kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng Women’s Month.
Bungad ni Jennica sa post, “In light of women’s month, I want to flex a beautiful and hardworking lady who is a Grab Driver.”
“She very kindly asked if we can have a photo together. I obliged and asked if we can have a photo together on my phone as well. [happy face emoji] Pumayag si Ate at ito ang resulta,” dagdag pa niya.
Sa kanyang pagkatuwa ay nakipagkwentuhan siya sa lady driver at nagkataon pa na kapangalan daw ang karakter na ginampanan niya noon.
Chika ni Jennica, “Ang surreal sobra gawa ng tanungin ko siya ng pangalan niya, Carol daw po. Carol din ang pangalan ko sa #Fractured under ABS-CBN at Dreamscape Entertainment [heart emojis]”
Baka Bet Mo: Jennica Garcia, Alwyn Uytingco bigong maayos ang relasyon: ‘Hindi na po talaga kami mag-asawa’
Kwento pa niya, “I became her passenger on the same day we were launched to star a new series for iWant. Aliw noh? Ang galing [white heart emoji].”
Panay puri ang aktres kay Carol na aniya’y maganda ang naging serbisyo sa kanya bilang customer.
“Ang linis ng sasakyan ni Ate Carol at mahusay siya mag maneho,” sey niya.
Patuloy pa niya, “Hindi rin umiinit ang ulo pag traffic. Salamat sa serbisyo mo Ate Carol. Stay safe, always [white heart emoji].”
Bumuhos naman ang magagandang komento mula sa netizens at narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“I wish you all the best Miss Jennica. I really see a good woman in you. May you be blessed with more projects. Kudos Miss Carol. Stay safe po.”
“Hi Ma’am Carol ang ganda po ng sakay mo next time si Ma’am Manilyn Reynes naman ang sakay mo look alike mo.”
“Ingat kayo sa biyahe. Kudos kay Ate Carol. Happy Women’s day to you and all women out here!”
Related Chika:
The post Jennica Garcia todo plex sa nakuhang ‘lady’ Grab driver: Ang linis ng sasakyan at mahusay magmaneho! appeared first on Bandera.
0 Comments