BUMALIK na ulit sa face-to-face classes ang ilang mga klase sa Metro Manila ngayong March 9.
‘Yan ay dahil maagang tinapos ng grupo ng mga tsuper ang tigil-pasada bilang pagtutol sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.
Kung maaalala, hanggang March 12 dapat ang transport strike.
Pero nagkaroon na ng kasunduan ang jeepney groups at Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa nasabing programa kaya bumalik na sila sa pamamasada.
Nangako si Pangulong Bongbong na muli nilang pag-aaralan ang revision ng modernization program.
Baka Bet Mo: PAGASA: LPA asahan sa mga susunod na araw; Hanging Amihan nagpapaulan sa bansa
Narito ang listahan ng mga lugar na nag-anunsyo ng resumption of onsite classes:
-
Quezon City
-
Pasig City
-
Malabon City
-
Mandaluyong City
-
Las Piñas
Samantala, ipagpapatuloy naman sa lungsod ng Maynila ang asynchronous classes hanggang Sabado, March 11.
With the announcement of transport groups ending the nationwide strike today, the OPLAN: LIBRENG SAKAY will continue until today, March 8 only.
Asynchronous classes for all public schools in all levels will continue until Saturday, March 11, 2023, as previously announced. pic.twitter.com/olrTb7EYpc
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) March 8, 2023
Bukod sa face-to-face classes, inanunsyo na rin ng mga lokal na pamahalaan na wala nang “Libreng Sakay” dahil may mga patuloy nang mamamasada ang mga jeep.
Read more:
DOH nabahala, residenteng apektado ng oil spill sa Mindoro nagkakasakit na
The post Public schools sa Metro Manila balik face-to-face classes; wala nang ‘Libreng Sakay’ appeared first on Bandera.
0 Comments