Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

PAGASA: LPA asahan sa mga susunod na araw; Hanging Amihan nagpapaulan sa bansa 

PAGASA: LPA asahan sa mga susunod na araw; Hanging Amihan nagpapaulan sa bansa 

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

ASAHAN ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa darating na sama ng panahon.

Abiso ng PAGASA sa isang press briefing ngayong March 9, may mabubuong Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Mindanao sa mga susunod na araw.

“Mayroon po tayong namataan na isang circulation dito po sa labas ng Philippine Area of Responsibility na siyang maging isang Low Pressure Area sa mga susunod na araw,” sey ni Weather Specialist Benison Estareja.

Paliwanag niya, “Inaasahang unti-unting lalapit ito hanggang sa weekend somewhere along the PAR line dito sa may silanganp po ng Mindanao, and as early as Sunday ng hapon ay posibleng magpaulan na dito sa may eastern side of Mindanao particularly dito sa may CARAGA and sa Davao Region. So patuloy po tayong magmo-monitor.”

Samantala, asahan pa rin ang maaliwalas at malamig na panahon sa Luzon dahil sa Northeast Monsoon.

Baka Bet Mo: Negros Oriental governor patay sa pamamaril, babala ni PBBM sa mga suspek: We will find you!

“Patuloy pa rin ang epekto ng Northeast Monsoon o Amihan dito sa bahagi ng Luzon at ito pa rin ang magdadala ng generally malamig na madaling araw, lalo na sa may norte,” saad ng weather specialist.

May kaunting pag-ulan naman na mararanasan sa ilang lugar ng Visayas at Mindanao.

Dagdag ni Estareja, “May pulong-pulong mahinang pag-ulan lalo na sa may eastern section, gayundin po sa may Western Visayas.”

“Dito naman sa parteng Mindanao, kitang-kita ‘yung mga isolated thunderstorms, mananatili ‘yung mga pulo-pulong pagkidlat at pagkulog o pulo-pulong pag-ulan sa susunod na 24 oras,” aniya pa.

Nabanggit din ng PAGASA na ligtas pumalaot ang mga mangingisda at maliliit na bangka dahil wala namang nakataas na babala ng malalaking alon.

“Ngayong araw, wala pong nakataas na Gale Warning o even in the coming days… So wala rin tayong inaasahang sea travel suspensions hanggang sa weekend,” saad ni forecaster.

Read more:

LTFRB sa ikakasang transport strike: ‘We are ready…Kayang-kaya namin punan ‘yan’

The post PAGASA: LPA asahan sa mga susunod na araw; Hanging Amihan nagpapaulan sa bansa  appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments