Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Piolo ilang beses nalugi bilang producer, walang luho sa katawan: ‘I don’t spend on things na masasayang lang’

Piolo ilang beses nalugi bilang producer, walang luho sa katawan: 'I don’t spend on things na masasayang lang'

Piolo Pascual

DIRETSAHANG inamin ng Kapamilya Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual na ilang beses na rin siyang nalugi bilang isang movie producer.

Nagpakatotoo ang award-winning actor na maraming na rin siyang natalo pagdating sa pagpo-produce ng pelikula sa loob ng ilang taon pero hindi raw ito naging hadlang para ipagpatuloy ang isa sa kanyang passion.

Aniya, hangga’t may pagkakataon at kaya pa naman ay hindi pa rin siya titigil sa paggawa at pagpo-produce ng pelikula bilang tulong na rin sa entertainment industry kung saan marami silang nabibigyan ng trabaho.

“Mas maraming losses sa production, hindi ko alam kung ba’t ko siya pinasok,” ang natatawang biro ni Papa P sa naganap na mediacon kamakalawa ng Sun Life para sa bago nilang campaign na “Wheel of Life.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


Sabi pa ni Piolo, kung medyo “nganga” ang kita sa pagpo-produce, super thankful naman siya kay Lord dahil hanggang ngayon ay active pa rin siya showbiz.

“Personally, sa career ko, I’m thankful, I’m grateful that through the years, I never had to consider quitting just because my movie didn’t become a hit,” sabi ng aktor.

In fairness, isa si Piolo sa mga celebrities na wais din sa paghawak ng kanyang kinikita kaya masasabing secured na ang kanyang future. Bukod sa investments, napakarami na rin niyang na-acquire na properties here and abroad.

“What I do is whatever I earn, I just put it in the bank primarily and then, from there, I set aside 10% for my tithes , and then the rest goes to savings.

“I try as much as possible not to spend as much on things that are just, you know, the material things, or let’s say, mga luho, you know.

“I reward myself with insurance, I reward myself with getting a time deposit, I reward myself with getting a new policy. From time to time I also reward myself with trips, you know, with my family,” lahad ng binata.

“I don’t spend on things na sayang lang. So, I try not to spend my money, and just put it in the bank, invest, get protection from insurances and just let the money work for you.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


“Hindi ako ‘yung tipo na nag-i-splurge and I always make sure that I’m protected. That’s why I don’t spend beyond my means, I don’t spend on things that are just really unimportant.

“And I guess, it’s a big factor that you don’t change your lifestyle just because you earn more. It’s important for us to know and give importance to our future and of course, not just para sa sarili natin but also our families,” dagdag pang pahayag ni Papa P.

Hindi rin siya mahilig mangutang, “So even if I have the money, I made sure that I save up first before I get something, so that I know, wala akong babayarang utang.

“Even if there’s nothing’s coming or if I’m not earning anyting, I don’t have to worry about having to pay my loans because hindi ako nangungutang nang hindi ko kayang bayaran,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Heart sa reaksyon ni Chiz pag nagsa-shopping: Napipikon siya sa akin, ‘Ilang bibig na ang napakain mo riyan?’

Samantala, sa hangaring mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga Filipino na maging aktibo at unahin ang kanilang kalusugan, ibinabalik din ng Sun Life ang Sun Life Cycle PH at ang Wheel of Life Pop-up Fair.

Sun Life Cycle PH is happening on April 23 at the Vermosa Sports Hub in Imus, Cavite. The event is open for all ages, fitness, and skill levels. To give younger participants the confidence to join, the Kids’ Bike Camp will also be held on April 16 at the Quirino Grandstand in Manila. Participants will learn bike safety, etiquette, and skills, among others, from Camp Director Coach Julian Valencia.

As for the Wheels of Life Pop-up Fair 2023, it will feature various health activities including free consultations, health risk assessments, nutrition counseling, and mental health check-in courtesy of the Philippine Mental Health Association, as well as diabetes testing courtesy of Sun Life’s healthcare partners Dr. Anywhere and Institute for Studies on Diabetes Foundation Inc.

Magkakaroon din sila ng game booths, free massages, a wellness corner, and other fun activities onsite. The fair will make stops in various locations on these dates: March 18 at Eton Centris, Quezon City; April 1 at Greenfield District, Mandaluyong; April 15 at Festival Mall, Alabang; April 16 at Quirino Grandstand, Manila; April 23 at Vermosa Sports Hub, Cavite; and April 29 at D’Mall, Boracay.

Neri ilang beses nalugi sa negosyo noon; may 10 bonggang business na ngayon

Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’

The post Piolo ilang beses nalugi bilang producer, walang luho sa katawan: ‘I don’t spend on things na masasayang lang’ appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments