Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalang aktres laging late sa mga dinadaluhang events, pa-superstar na yarn?

Kilalang aktres laging late sa mga dinadaluhang events, pa-superstar na yarn?

Mahulaan n’yo kaya kung sino ang aktres na ito?

HINDI pa siguro nabibigyan ng memo ang kilalang aktres ng pinagtatrabahuang TV network sa pagiging always late nito sa lahat ng events na dinadaluhan kaya wala siyang pakialam.

Ito ang sitsit ng media-vloggers at online writers na laging nade-delay ang umpisa ng mediacon dahil laging hinihintay ang kilalang aktres na ito na feeling superstar.

Binalikan namin ng tanong ang isa sa kasamahan namin sa trabaho kung money maker ito ng network kasi kapag nasa ganu’n estado na ay may paglaki na ng ulo ang artista.

“Oo, sikat naman talaga siya at marami siyang projects, pero hindi naman tama iyon na lagi siyang late at paghintayin ang lahat sa presscon, si ____ (super sikat na artista) ano nga ang aga-agang dumating sa call time niya.

“Wala siyang ____ (kilalang aktres) galang sa kapwa niya artista at sa ibang taong naghihintay sa kanya, feelingera masyado, gusto laging grand entrance,” pagtatapat ng aming kasamahan sa trabaho.

Baka Bet Mo: Sunshine puring-puri si Barbie: Ang galing, laging ‘take one’, I’m really impressed!

Kaya namin nabanggit na hindi pa nabibigyan ng memo ang kilalang aktres ay dahil ganito ang patakaran sa ibang TV network na sobrang higpit ng mga nangangalaga sa kanilang mga artista na kapag hindi sumunod ay may memo at kakausapin ng bossing ng one-on-one.

Hindi umuubra ang pagiging late depende kung may emergency o hindi maiiwasang sitwasyon lalo na kung nag-segues sa shooting o taping at hindi na nakabangon sa sobrang puyat ay hindi na lang pindadalo at humihingi ng dispensa ang production at i-schedule na lang for a solo interview.

Anyway, ni-research namin ang kilalang aktres na ito at marami-rami na rin pala siyang naging project pero isa pa lang ang major award.

Napanood na namin siya sa isang pelikula at para sa amin ay marami pa siyang bigas na kakainin in terms of acting. Kung beauty ang pag-uusapan para sa amin ay common lang ang ganda niya.

* * *

Mga babaeng palaban ang bida sa iWantTFC ngayong Women’s Month tampok ang mga pelikula at serye nina Lovi Poe, Janine Gutierrez, Angelica Panganiban, at marami pang iba na maaaring mapanood nang libre sa streaming platform.

Sa special selection na “In Celebration of International Women’s Day,” masusundan ng viewers ang kwento ng mga babaeng nagpalamas ng tapang at sakripisyo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Mapagpipilian ang mga seryeng “Call Me Tita” nina Cherry Pie Picache, Joanna Ampil, Agot Isidro, at Mylene Dizon at ang “Sleep with Me” girls’ love series nina Lovi at Janine, pati na rin ang mga pelikulang “Glorious” ni Angel Aquino at “Malaya” ni Lovi.

Tampok naman sa “Queens of Philippine Movies” selection ang mga tumatak na karakter sa mga Pinoy nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Angel Locsin. Balikan ang kanilang natatanging pagganap kapag pinanood ang mga pelikula nilang “The Unmarried Wife,” “One More Chance,” “Camp Sawi,” “Unofficially Yours,” at iba pa.

Ilan naman sa mga proyekto ng mahuhusay na mga babaeng direktor ang pwedeng panoorin sa “Movies by Female Directors” selection. Mapapanood sa iWantTFC ang mga pelikula nina Olivia Lamasan, Antoinette Jadaone, Mae Cruz-Alviar, at Cathy Garcia-Molina tulad ng “Milan,” “That Thing Called Tadhana,” “She’s The One,” at “Hello, Love, Goodbye.”

Andrea epektib na kontrabida: Pero ako yung laging nabu-bully sa school, tinatawag nila akong higad

Sunshine puring-puri si Barbie: Ang galing, laging ‘take one’, I’m really impressed!

The post Kilalang aktres laging late sa mga dinadaluhang events, pa-superstar na yarn? appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments