SUSPENDIDO ang number coding scheme ngayong March 6 kasabay ng unang araw ng tigil-pasada ng ilang grupo ng mga tsuper.
Inanunsyo ito mismo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos magkaroon ng inter-agency meeting para sa isasagawang emergency plans na apektado ng isang-linggong transport strike.
Nilinaw rin ng MMDA na susuriin nila ang mga susunod na araw kung kinakailangan pa rin nilang isuspinde ang number coding scheme.
“The UVVRP (Unified Vehicular Volume Reduction Program) suspension is for Monday only. We will assess if there is a need to suspend the number coding scheme on the succeeding days, depending on the gravity of the transport strike,” sey ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana.
Hindi bababa sa 1,200 na sasakyan ang ipapakalat ng gobyerno sa Metro Manila para makapagbigay ng libreng sakay sa commuters.
Bukod diyan ay magde-deploy ang MMDA ng 25 na sasakyan para rin sa libreng sakay.
Kabilang na raw diyan ang 4 air-conditioned buses, 2 non-air-conditioned buses, at 13 commuter vans na magsasakay ng halos 1,200 na pasahero kada byahe.
Mahigit 2,000 MMDA personnel din ang ipinakalat ng nasabing ahensya upang bantayan ang sitwasyon sa mga lugar.
Kung maaalala, sinabi ng ilang jeepney groups na magsasagawa sila ng transport strike bilang pagtutol sa nasabing programa.
Tinatayang nasa 40,000 units ang hindi papasada sa Metro Manila hanggang March 12.
Read more:
Tigil-pasada ng mga jeep itutuloy mula March 6 hanggang 12
The post ‘Number coding’ suspendido ngayong March 6 – MMDA appeared first on Bandera.
0 Comments