NAPA-SH*T si Liza Soberano sa diretsong tanong ni Bea Alonzo na, “Do you think you would’ve been a better Darna?”
“Oh sh*t! Ha-hahaha!” tumatawang sagot ni Liza na ikinatawa rin nang husto ni Bea.
Isa ito sa napag-usapan ng dalawa nang sumabak sa lie detector challenge si Liza na mapapanood sa YouTube channel ni Bea.
Napaisip bigla si Liza sabay sabing, “Honestly, I don’t know! I don’t wanna say my athletic capability are the best, so, hindi ko talaga alam. I think Jane (de Leon) did a good job. I saw her in some of the episodes.”
Nagulat si Bea, “Oh, pinanood mo?”
“Pinanood ko because I wanna see actually how it ends up and also Jane became a good friend not super close but I talked to her when it was pass onto her,” pagtatapat ni Liza na umaming suportado niya ang pagiging Darna nito.
Sabi pa, “And Janella was a very, very good friend of mine, so I wanna support them.”
Samantala, inamin ni Liza na unang inalok sa kanila ni Enrique Gil ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
“I wanted to do that movie so bad but then they say, ‘there were like another project that line up for the both of you,” sabi raw sa kanila ng ABS-CBN kung saan sila eksklusibong nakakontrata noon ni Quen.
“While doing Bagani (serye), nabalitaan ko na they offered (HLG) to Kathryn and Quen and na-scared (ako). I asked (them) why do they do that. I asked them to save the project for me and Quen nu’ng pinitch sa amin.
“Parang can we do this pitch pero they didn’t kasi kailangan pang i-develop pa more (script). And then we say, ‘okay please save it for us and then nalaman ko na lang na they will still be offering it to Quen and Kathryn.
“And I was scared that like after Bagani and when I do Darna wala na ‘yung LizQuen and for me, I don’t want to do that to the fans and also Quen was my comfort zone.
“So later I realized, ‘Oh my God! Ang dami kong hindi nagawa sa career ko and that’s why everybody, I think, takes for granted my talent or acting capabilities because they’re only see me in a loveteam,” pagtatapat ng dalaga.
Tinanong ni Bea kung nasubukan na rin ni Liza na masigawan ng direktor or co-worker dahil hindi nito nagawa ng tama ang isang eksena.
“Oh yeah! ‘Til this day pag nakikita ko siya nanginginig ako,” pag-amin ng dalaga.
Nagulat si Bea, “No way! Ilang taon ka no’n?”
“Twelve. Sinigawan niya ako sa harapan ng buong barangay. Tapos sabi niya (galit), ‘ito ba, ito ba ang artista! Hindi ako mabigyan ng isang take! ‘coz I couldn’t speak tagalog yet! I couldn’t say my lines properly,” paliwanag ng aktres.
Tsinek namin ang mga nagawang show at pelikula ni Liza noong edad dose siya. Ayon sa Wikipedia ito ay ang mga sumusunod: “Wansapanataym” (2011), “Kung Ako’y Iiwan Mo” (2012), “Must Be…Love” (2013), “She’s The One” (2014), “Got to Believe” (2014), “Forevermore” (2014) at marami pang iba.
Sigurado kaming alam ng fans ng LizQuen kung sinong direktor ang sumigaw kay Liza ng mga panahong iyon.
The post Liza natakot nang ialok kina Enrique at Kathryn ang ‘Hello, Love, Goodbye’; nagalingan kay Jane bilang Darna appeared first on Bandera.
0 Comments