Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sunshine Cruz ibinandera ang pagiging honor students ng 3 anak: I’m so proud of these girls!

Sunshine Cruz ibinandera ang pagiging honor students ng 3 anak: I'm so proud of these girls!

PHOTO: Instagram/@sunshinecruz718

PROUD na proud ang aktres na si Sunshine Cruz sa achievements ng kanyang tatlong anak na sina Angelina, Sam at Chesca.

Hindi lang kasi siya biniyayaan ng magagandang anak, matatalino pa ang mga ito!

Sa Instagram, inanunsyo ni Sunshine na mga “honor students” ang tatlo niyang anak.

Sinabi niya na kasama sa “Dean’s Lister” si Angelina, nasa second honor naman sa klase si Sam, habang third honor naman si Chesca.

Bungad ng aktres sa IG post, “I’m so proud of these girls! [red heart emoji]”

“Congratulations Angelina for being a dean’s lister once again, Sam and Chesca for being 2nd and 3rd honors,” aniya.

Ayon kay Sunshine, ang kanyang tatlong anak ang kanyang inspirasyon upang mas magpursige sa buhay.

“You girls inspire me to work harder and to always aim to be a better version of myself because you three deserve the best in life,” saad sa post.

Pinasalamatan niya rin ang mga ito dahil hindi nila pinapabayaan ang kanilang pag-aaral.

Aniya, “Thank you mga anak for the effort at pagbibigay ng importance sa studies. Mahal ko kayo!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Maraming netizens naman ang napa-comment sa post ng aktres at natutuwa dahil maganda ang naging pagpapalaki sa mga anak.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Congrats for raising beautiful and smart daughters. Kudos to you [clapping hands emoji] You are an inspiration.”

“Credit goes to the mom who raised them well and excel in life GOD BLESS U.”

“Congratulations! Hindi lang magaganda matatalino pa. Kudos sayo Ms. Shine [sparkling emoji]”

Related chika:

Sunshine Cruz ‘cool mom’ sa 3 anak na babae pero istrikto pagdating sa boys at party-party

The post Sunshine Cruz ibinandera ang pagiging honor students ng 3 anak: I’m so proud of these girls! appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments