Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘Lolo vlogger’ naghanda ng pancit matapos makakuha ng 300 YT subscribers; biglang lumobo sa 48k!

'Lolo vlogger' naghanda ng pancit matapos makakuha ng 300 YT subscribers, umabot na ngayon sa 48k!

Lolo Mandoy

Marami ang naantig sa vlog ng isang lolo vlogger na nagngangalang “Lolo Mandoy” matapos niyang maghanda ng pansit dahil sa pagkakaroon ng 300 subscribers sa kaniyang YouTube channel, na nagtatampok sa kaniyang buhay-mangingisda.

Makikita sa video ang pagluluto niya ng pansit, at pagpapaskil ng “Happy 300 subscribers!” sa isang lumang manila paper.

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa channel ko at gusto ko rin magpasalamat sa Panginoon. God Bless Us All,” aniya.

Dahil dito, marami sa mga netizens ang natuwa at nalugod sa kaniya.


Narito ang reaksiyon at komento ng mga netizen na nagbigay ng ilang tips upang mamonetize ang kaniyang vlogs.

“Congrats, Tatay! Road to monetization ka na. Gawa ka lang nang gawa ng vlogs para dumami ang watching hours mo.”

“Congratulations po, but… sanaollll!!! My YT hasn’t grown much; but it’s been a bit since I uploaded videos… soon though, when I return to the PH.”

“Hello po Lolo, konting tip lang po kung mareach mo na ang monetization requirement ni YouTube. Bago mag-apply, i-mute n’yo po muna ‘yong mga videos n’yo na may music para po sigurado na tatanggapin kayo sa YouTube Partner Program. Sayang po kasi kapag nareject, one month pa po aantayin n’yo para makapag-apply ulit. Magpatulong po kayo sa taong pinagkakatiwalaan n’yo at marunong po for YouTube monetization. Hoping po for the best sa channel n’yo. Padayon, Lolo!”

“For the love of my late lolo i will give this a heart reaction.”

“Ganitong mga channel magandang supportahan. Congrats Tay.”

“Congrats Lolo! Sana marami kang ma-Inspire na kabataan sa pamimingwit ng isda!!”

Netizens naantig sa love story ng mag-asawang pinaghiwalay ng COVID, tinupad ang sumpaang ‘for better or worse, till death do us part’

Sa wakas, Bong Revilla natanggap na ang YouTube Silver Play Button; mamimigay ng P1-M, 2 kotse, 5 motorsiklo

JaMill balik-YouTube na, nagpaliwanag sa pag-delete ng dating channel: Matagal na kaming toxic…

The post ‘Lolo vlogger’ naghanda ng pancit matapos makakuha ng 300 YT subscribers; biglang lumobo sa 48k! appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments