HINDI naman imposibleng maging kasingsikat at kasinglaki ng mga pangalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga baguhang young artists na sina Jhassy Busran at Heindrick Sitjar.
Kilalang-kilala ngayon sa social media ang tambalang JhasDrick dahil sa kanilang 9-episode series na “Roommate” na streaming na ngayon sa Facebook page ni Direk Gabby Ramos.
Si Direk Gabby ang nagdirek ng nasabing serye kung saan kasama rin ang mga baguhang artista na sina Earnest Beaver Magtalas at MJ Manuel.
Sa naganap na presscon para sa “Roommate” last Saturday, February 4, masayang ibinahagi ni Direk Gabby na marami na rin ang sumusuporta sa kanilang proyekto.
“Yung mga ginagawang ito, sabi ko nga, kahit isa lang o dalawa ang manood, di ba?
“Napanood lamang halimbawa ni Imelda Papin, tinawagan tayo. Tapos may project tayo. Tapos nandiyan siya kanina. Ang sarap ng pakiramdam na yun!
“Tumawag ang isang taga-network. Tumawag yung taga-isang ano na, ‘Direk, may script kami dito, kaya ba ito?’ So blessing po yun.
“Para rin po sa mga nanonood, naka-live po ako ngayon, sa mga filmmaker… dumating po ako sa punto na lahat ng kailangang ipasa mo yung reel mo na marunong ka, dumating na po ako sa punto na yun, naipasa ko.
“Kaya naisip ko, ‘Sandali! Baka ako naman ang nakakaalam na marunong ako. I-public na ito, hindi na ako mahihiya. Magkaalaman kung marunong talaga ako.’
“So from there, kasi minsan nagkaka-award po tayo. Pero totoo naman, ang nakapanood lang, jury at saka sa ibang bansa. Hindi mo rin siya puwedeng ipalabas sa public, di ho ba?” dire-diretsong pahayag ng direktor.
“Ito pong Roommate, kinabahan talaga akong gawin siya. Kasi, mamarkahan ka ng tao, e. Isa lang ang nasa isip ko. Basta yung tema at mensahe ko, maibigay ko sa kanila.
“At yung mga bata, mapalabas. Bonus na sa akin kung magka-project ako. Pero nakita kong dinudumog na din sila, and sooner or later, ang isa dito, Daniel Padilla na.
“Ang isa dito, Kathryn Bernardo na. Ang isang dito, ano na, di ba? Sobrang lakas na. Sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Bonus na lamang yung si Direk, magkaroon ng mas maraming project,” aniya pa.
Samantala, napakalaking achievement at pagkilala na raw para kina Jhassy at Heindrick ang matawag na Kathryn at Daniel ng Facebook
Sabi ni Jhassy, “Actually it’s an honor po na matawag na ganun. Siyempre, alam natin, KathNiel na po yun, di ba? KathNiel na.
“And kami, nag-i-start pa lang. And then yung ibang tao, tawag sa amin, ganun. So, sobrang nakakatuwa na nakikita nila yung ganu’n sa aming dalawa.
“Kasi kami naman, hindi namin siya…honestly ako, hindi ko siya naiisip na ganun. Pero naiisip nila, sa amin yun. So very thankful and at the same time I’m very happy na ganun yung tingin nila sa amin.
“So naiisip namin, effective talaga kaming dalawa. Kasi kinikilig sila kapantay ng kilig nila sa KathNiel. Di ba, parang ganu’n po?” paliwanag pa niya.
Para naman kay Heindrick, “Kaya thankful ako, e, kasi siyempre tama nga yung sinabi mo. Tapos na-appreciate nila tayo. So, sarap sa feeling ng ganu’n. Siyempre, why not, di ba?
“Kung yun ang tingin sa yo ng mga tao, nakaka-proud para sa sarili mo. Kasi ahh bukod dun, nakikita momna yung lahat ng hirap mo, pagod mo, may nangyayari,” sabi pa ni Heindrick.
Daniel Padilla nakisali sa mural painting para sa Leni-Kiko tandem
The post Loveteam nina Jhassy Busran at Heindrick Sitjar sa seryeng ‘Roommate’ tinawag na ‘KathNiel ng FB’ appeared first on Bandera.
0 Comments