Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Joel Lamangan sa mga pelikula ni Darryl Yap: ‘Ipaglaban ang katotohanan, hindi dapat padala sa melodrama ng awa’

Joel Lamangan sa mga pelikula ni Darryl Yap: 'Ipaglaban ang katotohanan, hindi dapat padala sa melodrama ng awa'

Allen Dizon, Joel Lamangan at Cherry Pie Picache

MATAPANG at maanghang ang mga naging pahayag ni Joel Lamangan tungkol sa pagtatapat sa takilya ng pelikula niyang “Oras de Peligro” at “Martyr Or Murderer” ni Darryl Yap.

Sa pagkakaalam ni Direk Joel, February 22 daw ang original playdate ng “MoM” ng Viva Films pero bigla na lang daw itong inilipat sa March 1.

“Sila ang tumatapat, hindi kami. Ibig sabihin, napakaimportante ng pelikulang ito kaya nila tinatapatan. At takot sila,” sey ng veteran at premyadong direktor sa naganap na presscon ng bago niyang pelikula.

Ipinaliwanag din ni Direk Joel ang tagline ng “Oras de Peligro” na “Huwag Pagtakpan ang Katotohanan. Igalang ang Kasaysayan.”

Sey ni Direk Joel, “Dahil ang ginagawa nila ay gusto nilang pagtakpan ang katotohanan. Ang katotohanan na ang mga Pilipino ang nagpatalsik kay Marcos sa Malacañang.

“Yun ang katotohanan, at igalang natin ang kasaysayan. Yun ang kasaysayan! Hindi dapat tayo padala sa melodrama ng awa sa kanila na sila ang pinalayas, sila ang parang ginawang kung anu-ano lang,” ani Direk.

Paliwanag pa niya, “Dapat tayo ay magbantay, nang hindi tayo pumayag na baguhin nila ang kasaysayan. Dapat ipagtanggol natin kung ano ang totoo! Lalo na doon sa mga hindi nakaranas ng totoo.

“Maaaring mabulag na ang buong Pilipinas. Aba’y kawawang-kawawa naman ang bayan na ito. Kasi anim na taon sila diyan!

“Marami pa silang pelikulang gagawin na magsasabi ng hindi totoo. Dapat alam natin yun!

“Sana magkaroon tayo ng producer parati na kagaya ng Bagong Sigla Productions nina Atty. Howard Callejo at Alvi Siongco na puwedeng gumawa ng pelikula na magsasabi ng totoo. Gusto kong sabihin kung ano ang totoo,” lahad pa ni Direk Joel.

Samantala, natanong din siya kung nakakatanggap din ba siya ng death threats, “Marami na. Inaalmusal ko yan, darling. Marami na. Pero hindi ako dapat matakot!

“Kapag natakot ako at hindi na ako gumawa, sino ang gagawa? Walang gagawa. Ano pa ang ikakatakot ko? Ang magsabi ng totoo ay dapat bang ikatakot? Dapat hindi.

“Kapag ako ay hindi na gumawa ng pelikulang katulad nito, sino pa ba ang gagawa?” sabi pa ni Direk.

Sina Cherry Pie Picache at Allen Dizon ang bida sa “Oras de Peligro” kasama sina Therese Malvar, Dave Bornea, Nanding Josef, Mae Paner, Jim Pebanco, Alan Paule, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Alvi Siongco, Gerald Santos, Elora Espano, Rico Barrera, Timothy Castillo at Crysten Dizon.

Pagtsugi kay Kim bilang host sa ‘It’s Showtime’, walang katotohanan

Karen kay Korina: Kailanman hindi po kami nagpantay…

Cristy Fermin hindi naniniwalang buntis si Kathryn: Kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon?

The post Joel Lamangan sa mga pelikula ni Darryl Yap: ‘Ipaglaban ang katotohanan, hindi dapat padala sa melodrama ng awa’ appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments