Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Coco sinagot ang mga nagtatanong sa kanya ng, ‘Ang init-init lagi kang naka-jacket!?’

Coco sinagot ang mga nagtatanong sa kanya ng, 'Ang init-init lagi kang naka-jacket!?'

Coco Martin

INATAKE ng matinding lungkot ang Teleserye King na si Coco Martin nang mamaalam na si Cardo Dalisay sa super successful Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Yan ang inamin ni Coco kasabay ng pagsisimula ng pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang “FPJ’s Batang Quiapo” nitong nagdaang Lunes kasama ang anak ni yumaong Action King Fernando Poe, Jr.. na si Lovi Poe.

“Nakakalungkot kasi ang tagal ko ring isinabuhay si Cardo. Ang tagal ko siyang isinapuso, pitong taon.

“Kasi kapag gumagawa ako ng character sa buhay ko, sa mga proyekto ko, hindi siya parang damit sa akin na hinuhubad lang. Kapag sinimulan ko ang proyekto huhubarin ko ‘yung character ko pagkatapos na nu’ng project,” pahayag ni Coco sa interview ng “Sakto.”

“Kaya minsan nawiwiduhan sa akin ang mga tao. Sabi sa akin, ‘Ang init-init lagi kang naka-jacket’ Totoo ‘yon. Sabi ko, ‘Paano ko miaarte ang isang character kapag hindi ko isinabuhay?’

“Kapag isinabuhay mo siya, kapag alam mong everyday ikaw na si Cardo, hindi ka na maliligaw kahit nakapikit ka pa, kahit biglang gisingin ka pa, si Cardo ka na.

“Wala akong magagawa ‘yon ang hanapbuhay ko. Kaya minsan anuman ang pananamit ko, eh sinasadya ko ‘yon,” sabi pa ng premyadong aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Pagpapatuloy pa niya, “Nu’ng hinubad ko na ‘yung ano ni Cardo, nag-iba na rin ako, pati gupit ko, lahat. Kasi sabi ko nga siguro ganoon ako magmahal sa trabaho ko.

“Ganoon ko siya nirerespeto. Ngayon na kailangan ko na siyang bitawan (si Cardo Dalisay) gusto kong magpasalamat sa kanya kasi napakalaki nang nagawa niya at naitulong niya sa buhay ko, personally at sa lahat ng mga tao at Filipino.

“Kasi alam ko nakapagbigay siya ng saya at inspirasyon sa bawat Filipino.

“At ngayon sa pagbubukas ng pinto para kay Tanggol (karakter niya sa Batang Quiapo), ibang aral naman ang ihahandog ko para sa mga tao o ibang inspirasyon,” pahayag pa niya.

Samantala, ipinagdarasal ni Coco na magustuhan din ng manonood ang “Batang Quiapo,” “Honestly hindi ako nag-expect ng kung ilang taon siya, kasi ganoon din naman ‘Ang Probinsyano’ walang expectation.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Depende ‘yan sa mga manonood kung ano ‘yung pagtanggap nila. Basta ang alam ko lang ang buong team ko, lahat ng mga kasama ko rito, sabi nga namin ‘never say die.’ May sakit umuulan, ano man ang panahon lahat ng mga kasama ko sundalo.

“Basta nandito kami alam namin na may obligasyon kami sa viewers namin sa mga manonood. Alam namin ang obligasyon namin sa viewers namin lalo na sa mga bata na makapagbigay sa kanila ng inspirasyon.

“Kaya kung saan man mapupunta ang kuwento, kung tatanggkilikin man nila. Sobra kaming nagpapasalamat doon. Isa lang ang maipapangako namin, alam namin na ibinibigay namin ang pinaka-best para masulit ang pagmamahal at suportang ibinibigay nila sa amin gabi-gabi,” aniya pa.

Napapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Coco tuluyan nang nagpaalam sa ‘Ang Probinsyano’: ‘Police Major Ricardo Dalisay, signing off…hanggang sa muli nating laban!

Pagtatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ tinutukan ng madlang pipol, CocoJul fans happy sa ending

5 eksenang nagpaiyak sa madlang pipol sa pagtatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

The post Coco sinagot ang mga nagtatanong sa kanya ng, ‘Ang init-init lagi kang naka-jacket!?’ appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments