Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

BANTAY ASKS: Kanino ka magbibigay ng bulaklak ngayong Valentine’s Day?

Sunflower

Bulaklak sa Dangwa/Bandera

ITINUTURING ngayong buwan ng pag-ibig dahil ipinagdiriwang ang Valentine’s Day tuwing February 14.

Iba’t ibang pakulo ang inaasahan across all status of life lalo na sa mga may dyowa.

For sure tataas ang demand ng mga pwedeng ipanregalo tulad na lamang ng mga teddy bear, chocolates, at balloons. Siyempre hindi rin makakalimutan ang nagsisigandahang boquet ng bulaklak.

Tinanong natin ang ilang mga ka-Bandera kung kanino sila magbibigay ng bulaklak ngayong Valentine’s Day.

SA MAGULANG

Para sa karamihan, nakahahanap tayo ng comfort sa ating mga ama’t ina.

May mga iba na mas pipiliing bigyan ng bulaklak ang kanilang magulang dahil sila ang first and true love.

Talaga namang parents ang unang pumasok sa isip ng iba dahil miss na miss na nila ang mga ito. Super relate, of course, ang mga anakshies na super focus sa career o trabaho.

SA ANAK

Iba naman ang feeling kapag magulang ang tinatanong kung para kanino sila magbibigay ng bulaklak ngayong Valentine’s day.

Bukod sa kanilang hubby o wifey, nagkakasundo ang mga ito na kanilang anak ang pagbibigyan nila ng bulaklak para maitatak sa isip nila na sila ang first love ng mga ito.

Sa part ng ka-Bandera nating isang ama, mas pinili niyang bigyan ng bulaklak ang kanyang batang anak na babae dahil nais umano nitong unang makatanggap ang kanyang daughter ng flowers mula sa kanyang ama. Talaga namang magiging core memory ito ng kahit sinomang anak.

SA KAIBIGAN

Forda single ferson naman, bet nilang ibigay sa kanilang mga kaibigan ang bulaklak this Heart’s day.

Ika nga nila, hindi bale nang walang dyowa kung sandamakmak lang din ang tropa mo ngayong Feb. 14.

‘Yung essense ng pagmamahal na hindi itinadhana sa atin ng sinomang dyowa ay talaga namang napupunan ng ating mga frennies.

SA DYOWA

Of course hindi natin makalilimutan ang mga ka-Bandera nating pinalad magkaroon ng lovey dovey partners ngayong Pebrero 14.

Una o kung hindi man ay pasok sa kanilang pagbibigyan ng flowers this Valentine’s Day ang kanilang dyowa. May work man o estudyante palang, talaga namang pinag-iipunan nila ang pambili ng nagmamahalang bouquet para pakiligin ang kanilang sinisinta.

Dagdagan pa raw ‘yan ng mga chocolates, cake, o iba pang mga sweets na magpapatibok sa puso ng iyong minamahal.

So, ayan mga ka-Bandera, ang Valentine’s Day ay for everybody. Mapa-single ka man o may dyowa, maraming paraan ang maaari mong gawin para makapag-spread ng love and good vibes ngayong darating na February 14.

Maaaring ang iba sapat na ang quality time at pagsasalo-salo upang gawing memorable ang romantic ang Araw ng mga Puso. Again, bonus na lang ang mga materyal na bagay for extra sweetness.

Ikaw, kanino ka magbibigay ng flowers this Valentine’s Day?

RELATED:

ALAMIN: Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa market at mga kakaibang pangregalo sa Valentine’s Day

Lolit Solis nakatanggap ng bulaklak mula kay Pangulong Bongbong Marcos: Feeling ko magaling na ako!

Daniel, Kathryn handang-handa nang sumabak sa bagong challenge ngayong 2023, may pa-surprise kaya sa V-Day?

The post BANTAY ASKS: Kanino ka magbibigay ng bulaklak ngayong Valentine’s Day? appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments