Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Banat ng utol ni Neil Salvacion kay Rabiya: You’re lucky na mas gustong manahimik ng kapatid ko kesa patulan ang scripted na sagot mo!

Banat ng utol ni Neil Salvacion kay Rabiya: You’re lucky na mas gustong manahimik ng kapatid ko kesa patulan ang scripted na sagot mo!

NAGKAROON ng pasaring ang kapatid ng ex-boyfriend ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion sa social media.

‘Yan ay matapos magkaroon ng interview si Rabiya kasama ang King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk.”

Sinabihan niyang sinungaling ang beauty queen sa pamamagitan ng isang social media post.

Kamakailan lang, inamin ni Rabiya na nag-propose ng kasal si Neil sa kanyang ngunit ito ay kanya raw tinanggihan.

“I think this is the first time na sasabihin ko sa tv, but he proposed to me, Tito Boy and I was so young at that time, I wasn’t ready,” sey ni Miss Universe Philippines 2020.

Patuloy pa niya, “I have a lot of dreams for my family and during that time he was ready to settle na, feeling niya okay na siya sa buhay.”

“Ako, I wanna aspire to be more. Dun kami nagkaroon ng conflict,” aniya.

Agad namang kinontra ng nagpakilalang kapatid ni Neil na may Facebook name na Nhel Skie ang naging sagot ni Rabiya kay Tito Boy.

Ayon kay Nhel, dati nang pumayag magpakasal si Rabiya kay Neil at maswerte raw ito dahil nananahimik nalang ang kanyang kapatid.

Caption niya sa FB post, “Nako! Ate. There’s always an option to answer a question truthfully or to spill the tea with a fib.”

Dagdag niya, “You never rejected my brother’s proposal. In fact, you accepted it and wore the ring before your pageant started internationally.”

“Something happened along the way and you opted to commit a sin during the pageant and you have to own up to that,” pagbubunyag pa niya.

Aniya, “You’re lucky na mas gustong manahimik ng kapatid ko kesa patulan ang mga scripted na sagot mo.”

Matatandaang napabalitang naghiwalay ang dalawa matapos koronahang Miss Universe Philippines si Rabiya.

Ngunit ang tsismis na ito ay itinanggi at nilinaw ng beauty queen nang tinanong ni Tito Boy.

Sabi niya, “When I won Miss Universe Philippines, sabi ko ito na yung time ko para makapag-ipon, para mabilhan ko yung nanay ko ng bahay, para maipagpatuloy ko kung gusto pa ng kapatid ko na mag-aral.”

“So, parang ako po yung breadwinner and dahil wala akong dad, parang nasa akin ang lahat ng responsibilidad na yon. So hindi ko pa kayang iwan yon para mag-asawa,” sey niya.

Related chika:

Diego Gutierrez hugot na hugot sa bagong Tagalog song; fans kinilig sa pagtatambal nila ni Anji Salvacion

The post Banat ng utol ni Neil Salvacion kay Rabiya: You’re lucky na mas gustong manahimik ng kapatid ko kesa patulan ang scripted na sagot mo! appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments