Header Ads Widget

Bamboo, Martin, KZ may kanya-kanyang diskarte sa pagpili ng mga maglalaban-laban sa ‘The Voice Kids’ 2023

Bamboo, Martin, KZ may kanya-kanyang diskarte sa pagpili ng mga maglalaban-laban sa 'The Voice Kids' 2023

Martin Nievera, KZ Tandingan at Bamboo

MULING magiging kapana-panabik ang inyong weekends dahil mapapanood na ng sambayanan ang pagtuklas sa mga batang nangangarap maging sikat na singer sa “The Voice Kids”.

Ngayong Sabado at Linggo (February 25 at 26), magsisimula na ang Blind Auditions ng nasabing reality talent search ng ABS-CBN kasama ang mga celebrity coach na sina Rockstar Royalty Bamboo, Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan, at Philippines’ Concert King Martin Nievera.

Ayon kay Bamboo, na isa sa mga original coach ng programa, excited na siya sa bagong kabanata ng “The Voice Kids,” kung saan karangalan niyang ang makasama sina KZ at Martin.

“I do miss them (former coaches) a lot. Those were my guys as well. But I do look forward to this season. It is a new day,” sabi ni Coach Bamboo sa panayam ng “TV Patrol.”

Handa na rin sina KZ at Martin para sa matinding hamon sa pagtutok sa mga bagong talent na balang araw ay magpapatuloy sa OPM brand.

“I have very big shoes to fill. Medyo, mabigat ‘yung responsibility,” pag-amin ni KZ.

Dahil isang talent search program ang “The Voice Kids,” kailangan ding harapin ng coaches ang unti-unting pamamaalam ng mga contestant sa bawat yugto ng kompetisyon na magiging mabigat sa kanilang mga puso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KZ (@kztandingan)


“Everyone knows how soft my heart is so I am really preparing myself. I might bring an extra heart,” sabi ni Martin.

Samantala, magiging hosts naman sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo ng bagong season na inilarawan ni Robi bilang “kakaiba, pero exciting.”

Nag-post naman sa social media si Bianca para ilabas ang kanyang nararamdaman ngayong bahagi na siya ng “The Voice Kids.”

“Still honestly incredibly surreal. Honored, happy, grateful, nervous, excited, halo-halo na,” pahayag ng TV host sa kanyang Instagram post.

Kabilang din sa mga bagong aabangan ng viewers ang pagiging hosts ng “The Voice Kids” DigiTV nina “The Voice Kids” season 2 champion Elha Nympha at “The Voice Teens” finalist Jeremy G na makikipag kwentuhan sa mga young artist.

Sinong “The Voice Kids” auditionees kaya ang magpapabilib kina coach Bamboo, KZ, at Martin sa blind auditions?

Abangan sa “The Voice Kids,” kung saan pangarap ang puhanan at boses ng bulilit ang labanan, tuwing weekend sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya Network.

Angelica ibinuking ang style sa panliligaw ng dyowa: Dito po ako nadale ni Gregg sa pa-beach-beach na ganito!

Pumatay sa aso ni DJ Mo naaresto na…hustisya para kay Bamboo: He was beaten and left for dead in the desert

Kyle Echarri na-bully din nang bonggang-bongga noong sumali sa The Voice Kids

The post Bamboo, Martin, KZ may kanya-kanyang diskarte sa pagpili ng mga maglalaban-laban sa ‘The Voice Kids’ 2023 appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments