Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

2 LPA magpapaulan pa rin sa bansa, posibleng magsanib-pwersa – PAGASA

2 LPA magpapaulan pa rin sa bansa, posibleng magsanib-pwersa – PAGASA

INQUIRER stock image

INAASAHAN pa ring magpapaulan sa ating bansa ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“‘Yung una ay nasa labas ng ating PAR na huling namataan sa 1,110 kilometers sa may silangan ng Eastern Visayas at ‘yung ikalawa naman ay nasa loob naman ng ating PAR at ito ay huling namataan sa layong 765 kilometers east southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur,” sey sa press briefing ng PAGASA ngayong February 17.

Bagamat wala pa ring masyadong pagbabago sa kilos ng mga LPA ay inaasahan namang magsasanib-pwersa ang dalawang sama ng panahon.

Paliwanag ng Weather Forecaster na si Patrick Del Mundo, “Itong dalawang Low Pressure Area na ito ay nananatiling mababa ang tsansa na maging isang bagyo in the next 48 hours at sa ngayon ay possible pa rin ang merging o pagsasama nitong dalawang Low Pressure Area na maging isang sirkulasyon na lamang in the next 24 to 48 hours.”

Nilinaw din ng PAGASA na kahit mababa pa rin ang tsansa na maging ganap na bagyo ang mga LPA, magdadala pa rin ito ng malakas na mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Sabi ni Del Mundo, “Bagamat magsasama itong Low Pressure Area ay hindi naman ito may malaking tsansa na maging isang bagyo sa mga susunod pang oras at ‘yung mga pag-ulan naman ay possible na makaranas ng malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw, especially dito sa maya bahagi ng Visayas at sa may northern at eastern portion ng Mindanao.”

Asahan ang kalat-kalat na mga ulan sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region at Bohol dahil sa “Trough” o buntot ng LPA.

May malakas na epekto rin ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan sa may Luzon kaya magdadala rin ito ng mga pag-ulan.

“Sa kasalukuyan ay patuloy ang pag-iral ng Northeast Monsoon dito sa bahagi ng Luzon at ng Visayas na maaaring magdala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa may silangang bahagi ng Luzon,” ayon sa forecast ng weather bureau.

Anila, “Gayundin possible din ang malalakas na hangin dahil malakas ang epekto ngayon ng hanging amihan nitong Northeast Monsoon.”

Dahil sa Amihan, makakaranas ng maulap na kalangitan at ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora at Quezon.

May mahinang pag-ulan naman sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Read more:

PAGASA: LPA inaasahang papasok sa bansa, patuloy na nagpapaulan

The post 2 LPA magpapaulan pa rin sa bansa, posibleng magsanib-pwersa – PAGASA appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments