Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Vicki Belo tumalon mula sa umaandar na kotse para takasan ang ka-date: Tumakbo talaga ako at nagtago!

Kim Chiu, Scarlet Snow at Vicki Belo

ALIW ang “Truth or Drink with Kim Chiu” episode sa YouTube channel ni Vicki Belo kasama si Scarlet Snow Belo bilang host.

Magtatanong si Scarlet na kailangang sagutin nina Kimmy at Doc Belo at kapag hindi kayang sagutin ay iinumin nila ang mga nakahaing drinks sa kanilang harapan na anila’y hindi maganda ang amoy.

Natawa si Scarlet sa unang tanong na binasa niya, “What is the biggest lie you’ve ever told?”

“Hindi ako nagsisinungaling, eh,” sagot ng aktres.

Pero hindi naniwala si Doc Vicki, “Talaga? Imposible ‘yan Lord (sabay tingin sa taas). May lightning strikes.” 

“Biggest lie? Wala naman sigurong big na lie akong sinabi kasi parang open book naman ‘yung life ko since PBB (Teen Edition, Big Winner).

“Alam nila ‘yung aking family issues, heartbreaks and all that, success.  Wala namang big, siguro maliliit lang na lie na ‘nasaan ka na?’ Sabi ko, ‘nasa EDSA na’ pero nasa bahay pa ako,” kuwento ni Kimmy.

Hirit ni Scarlet, “There’s no big lie!” na ibig sabihin nito ay walang malaki o maliit na kasalanan dahil maski white lies ay kasinungalingan pa rin.

Sinalo naman ng mommy ni Scarlet ang dalaga, “She’s telling the truth.” Sabay sabing, “Me my biggest lie?  You know what it is?  I didn’t tell Kuya Quark (Henares) and Ate Cristalle (Henares-Pitt) that I was going to have Scarlet Snow.”

Seryoso namang nakikinig ang anak nina Vicki at Hayden Kho.

Pagpapatuloy pa niya, “Until much later but now they love you so much. I was so scared kasi that maybe they won’t allow me to do it but they love you. So, now who’s your…do they love you, do you feel?”

“Brother and sister!” seryosong sabi ni Scarlet.

Ang tanong ulit kina Kim at Doc Vicki, “Tell us about your most awkward date.”

“Ay, my most awkward date, hindi na naman ako iinom (bilang parusa). Talagang may date ako when I was 18, this guy try to kiss me in the car and tsansing-tsansing my thigh and I said, ‘stop the car!” ani Vicki.

Tanong naman ni Scarlet kung artista ito, “No, not an artista I was only 18 hindi pa nga ako doktor. (dahil nangungulit si bagets kung anong pangalan). Ay naku, his name was Louie. And then I said, ‘take it out. I’m dalagang Pinay.’

“And then he got mad, he’s racing the car kasi galit. So ginawa ko binukas ko ‘yung door habang nagra-run ang car, I was crazy daw, anyway tumakbo ako, nagtago na lang ako somewhere,” pag-alala ni Doc Belo.

At sabay sabi sa anak, “So, Scarlet you do what mommy did, ha?”

Si Kim naman, “Ang awkward date ko is wala akong dalang money.  Awkward ba ‘yun na walang dalang pera?”

“Actually maraming girls hindi nagdadala. Ako sangkatutak na pera dinadala ko. Ha-hahaha! Kasi natatakot ako baka mag-taxi ako to home. Pag wala akong pera nai-insecure ako,” tumawang sabi ng mama ni Scarlet.

Sabi pa ng aktres, “Hindi naman ako pinagbayad, nahiya lang ako kasi first date gusto ko share kami.”

“Tell us about your first kiss,” ang ikatlong tanong.

“Whoaa! Inom na lang ako, sige okay choose,” sagot ni Doc Belo.  Siyempre ayaw niyang magkuwento sa anak.

“I’ll let you choose,” sabi ni Scarlet sa ina.

“Ay, ang bait naman ng anak ko (sabay fist bump nila ni Kim).  Dapat mga anak n’yo ganito,” saad ni Doc Belo sabay inom ng strawberry syrup and chili oil.

Gayun din si Kim, mas piniling uminom na lang at si Scarlet ang pumili ng iinumin niyang milk and strawberry syrup.


Maraming tanong na hindi sinagot nina Kim at doc Belo kaya mas minabuti na lang nilang uminom ng apple cider.

Napa-wow naman pareho ang dalawa sa tanong na, “Have you ever cheated or been cheated on?”

“O, palakpakan pareho kami, sabay pa,” say ni Doc Belo.

“Worst celebrity partner” ang sumunod na tanong. Sagot ni Belo, “Worst celebrity partner, I supposed I have to drink. Ha-hahaha!” 

Aliw ang iba pang tanong at nakakalokang host si Scarlet dahil makulit talaga at gustong malaman lahat, sabi nga ni Doc Belo, “May pagkasadista itong aking anak.”

Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?

Kim Chiu: Hindi ako nagjojowa ng pangit!

The post Vicki Belo tumalon mula sa umaandar na kotse para takasan ang ka-date: Tumakbo talaga ako at nagtago! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments