NANG mapanood namin ang trailer ng horror comedy movie na “The ExorSis” sa 47th Metro Manila Film Festival announcement ng walong pelikulang mapapanood sa December 25 ay tawanan ang lahat ng dumalo sa event dahil nagsama ang magkapatid na Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga-Morada na parehong comedy ang forte, e, dinagdag pa si Melai Cantiveros-Francisco na idinirek pa ng bestfriend nilang si Fifth Solomon, kaya riot talaga.
Sa madaling salita, ‘barkadahan’ ang movie project na ito na ang ganda ng resulta. At nabanggit naman ito ni Direk Paul Soriano sa MMFF launch na nabuo ang concept ng “The ExorSis” habang nagkukuwentuhan sina Toni, Alex at direk Fifth habang nakikinig siya at nagbibigay ng suggestions.
Ang TinCan Productions ang producer ng pelikula at ang magkapatid na Gonzaga ang may-ari nito.
Natanong ang hubby ni Toni kung bakit hindi siya ang nagdirek at katwiran nya ay si direk fifth ang may ideya ng lahat at siya rin ang sumulat ng script.
Oo nga, parang hindi naman forte ni direk Paul ang comedy dahil pawang seryoso ang mga pelikula niya kaya on the side na lang siya.
At dahil magkaka-barkada sina Toni, Alex at Melai plus ang direktor nila ay natanong kung anong challenge para sa kanila na gawin ang “The ExorSis” sa ginanap na online mediacon kagabi.
“Ako, isa sa pinakamasayang experience ko ito last year (2020 na-shoot), nu’ng nagluwag na at puwede nang mag-shoot sobrang grateful ko na nakasama ko itong cast na ito. They’re such a joy to work with parang hindi kami nagso-shooting, feeling namin nag-retreat lang kami dahil mas marami ‘yung bonding moments, ang saya-saya.
“Sobra akong grateful dahil tinanggap nila ‘yung proyekto tapos nag-enjoy silang lahat na ginawa ‘yung pelikula. I like doing ‘yung mga comedy films tapos horror kasi parang these brings back mga memories ‘yung unang-unang pelikulang ginawa ko sa Star Cinema, ‘yung “D Anothers” (with Vhong Navarro) and sobrang saya ng experience na ‘yun dahil ganu’n na ganu’n din (sa ExorSis).
View this post on Instagram
“I played the role of Ate ni Alex tapos bestfriend namin si Melai dito, mga childhood friends’ kami. kaya lang ako masydong goal driven, masyado akong focus sa pangarap ko kaya lang namatay ‘yung parents namin, so, parang ako ‘yung sumalo ng responsibilidad na maging nanay ni Alex na hindi ko naman nagustuhan.
“So, parang lahat ng angst ko sa mundo, napo-project ko kay Alex kaya iyon nasabihan ko siya na ‘ikaw na lang ang malasin sa buhay’ e, yun nasapian siya,” kuwento ni Toni.
Dati kapag natatanong si Toni tungkol sa kapatid ay lagi nitong reklamo na ‘pasaway at makulit.’ Kaya natanong kung may awkwardness pa rin silang dalawa kapag magkasama.
“Naku, at this point sa buhay namin wala na siguro kaming ganu’n awkwardness. Mas more on nage-enjoy kami pag magkakasama kami,” saad ng isa may-ari ng TinCan Productions.
Say naman ni Alex na seryoso habang nagkukuwento, “ang role ko naman dito, I played the role of Dani na sasapian ni Lengleng. I’m the youngest sa aming magkapatid. I’m always longing for my sister’s love kasi siya na lang ‘yung family na natira sa akin pero ‘yun nga lagi niya akong hindi pinapansin, lagi siyang bitter sa akin hanggang sa sinapian ako tapos doon magsisimula ‘yung journey ng character namin.
“Wala namang awkward, siguro magiging awkward lang ako sa ate kung ang role namin ay mag-girlfriend kami, nakahubad kami tapos naghahalikan, other than that, wala naman.”
At si Melai, “wala talaga silang awkward kasi nakikita ko sila roon (set) magkapatid, wala talaga sobrang comfortable. Para kaming nag-retreat. Kung grateful si ate Toni, mas sobra akong grateful kasi iyon ‘yung time na nawalan ng franchise (ABS-CBN), talangang nagkaroon kaagad ng trabaho. Sobrang grateful ako na nabigyan ako kaagad ng trabaho ni ate Toni.”
Ang bff ni Melai sa kuwento ay si Toni na lagi siyang naroon sa kanila at sleepover hanggang sa inampon na siya na naging delikado ang buhay niya at hindi na nag-elaborate pa ang komedyana kung bakit, panoorin na lang daw ang “The ExorSis” na release ng Viva Films.
View this post on Instagram
Samantala, parehong may pamilya na sina Toni at Alex pero hindi nabago ang pagiging close nila.
“Lagi kaming may time ni Alex for each other, kasi I think nakatulong din na dalawa kami, so talagang yung bond na nabuo namin, connected na talaga kami kahit magkalayo kami. We may not be physically together all the time, pero yung communication namin, laging tuluy-tuloy.
“So, lagi kaming updated sa mga pangyayari sa buhay ng bawat isa, yung mga milestone, kung anuman yung mga pinagdadaanan ng bawat isa, lagi kaming present,” kuwento ng TV host.
Inamin din ni Alex na walang nabago sa pagtitinginan nilang magkapatid at sa katunayan ay si Toni ang una niyang sinabihang buntis siya at ito rin ang nakaalam nang magkaroon siya ng miscarriage.
Anyway, mapapanood ang “The ExorSis” simula sa December 25 hanggang January 7, 2022 handog ng TinCan Productions at Viva Films.
Related Chika:
Toni na-bash nang bongga nang iwan ang GMA: ‘Ambisyosa! Hindi pa man sumisikat, laos na iyan.’
The post Toni, Alex muling magsasama sa pelikula; maghahasik ng kasiyahan at katatakutan sa ‘The ExorSis’ appeared first on Bandera.
0 Comments