Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Donny sa mga nanlalait kay Belle: Sobrang ganda niya, talented and she has a good heart…

Donny Pangilinan at Belle Mariano

IPINAGTANGGOL ni Donny Pangilinan ang kanyang ka-loveteam na si Belle Mariano laban sa mga bashers na nanlalait sa itsura ng young actress.

Hot na hot ngayon ang “DonBelle” tandem kaya naman pagkatapos ng matagumpay nilang TV series na “He’s Into Her” binigyan agad sila ng follow-up project ng ABS-CBN, ang launching movie nilang “Love is Color Blind”.

Ayon kay Donny, mas kumportable na sila ngayon ni Belle sa kanilang mga pakilig scenes kaya naman naging madali at mabilis ang lock-in shooting nila para sa first movie nila together.

“What’s interesting is yung mga scenes namin we’re getting more familiar with how to do them and stuff but what direk wanted to make sure was, hindi mo gagawin yung usual na gagawin mo. Kaya du’n siya nagiging mas challenging,” pahayag ng Kapamilya actor.

Kahit medyo matagal na rin silang magkakilala ni Belle, may mga bago pa rin siyang nadiskubre sa dalaga, “Marami pa rin ako nalaman kasi siyempre iba rin yung experience ng lock-in. There is always something new I will learn from Belle. 

“But I know already na sobrang hardworking niya, gagawin niya ang lahat para lang makuha ang scene or yung kailangan ng role niya. Butmore and more I see it. More and more it’s evident especially dito sa lock-in na ‘to. 

“Ang dami naming pinagdaanan na challenges na sobrang hirap minsan. Pero nakita ko talaga na there’s nothing that will stop her from learning and from showing what needs to be shown. I learn that more and more everyday,” chika pa ni Donny.


Samantala, tungkol naman sa mga bashers ni Belle, lalo na sa mga nagsasabing hindi naman daw ito kagandahan, may mensahe si Donny para sa mga ito.

“First of all, yung mga bashers hindi naman namin masyado pinapansin yun kasi may mga pinagdaraanan din sila. Pero ako mag-a-attest ako, sobrang ganda ni Belle. Honestly, let’s focus on the good things. 

“She’s so talented. She released an album. I’m so proud of her. Belle never stops looking for hope. She never loses that hope. She always focuses on growth an what can be done better. Even if she’s so talented she always tries to strive for more,” pagdedepensa pa ng binata sa ka-loveteam.

Nang matanong kung ano ang sikreto sa mas tumitibay pa nilang relasyon at sa kanilang good partnership on screen, “Unang-una, Belle has a good heart. Pangalawa, she loves her craft. She is so supportive and she’s just herself.

“We’re very straightforward I think so we talk about it. How we communicate with each other, like offscreen and onscreen kasi may effect din yun, eh.

“Pinag-uusapan lang namin yan. You just have to be honest. Communication is the most important,” paliwanag ni Donny.

Bukod sa DonBelle, makakasama rin sa “Love is Color Blind” sina John Lapus, Angelina Cruz, Jeremiah Lisbo at Esnyr Ranollo sa direksyon ni John Leo Garcia mula sa Star Cinema.

Donny proud na proud sa ‘He’s Into Her’, pero umaming nape-pressure dahil…

The post Donny sa mga nanlalait kay Belle: Sobrang ganda niya, talented and she has a good heart… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments