Donny Pangilinan at Belle Mariano
KINILABUTAN ang Kapamilya stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano nang marinig ang bago nilang titulo — the New Gen Phenomenal Love Team.
Halatang na-shock ang DonBelle sa bagong tawag sa kanila na unang binanggit at ibinandera sa trailer ng launching movie nilang “Love Is Color Blind” mula sa Star Cinema.
Matapos nga ang very successful run ng kanilang teleseryeng “He’s Into Her” na ipinalabas sa iWantTFC at napapanood na rin ngayon sa Netflix, bibida naman sila sa isang bonggang movie.
Sa direksyon ni John Leo Garcia, ang nasabing romantic-comedy movie ng DonBelle ay mapapanood na sa Dec. 10.
Sa ginanap na virtual mediacon ng “Love Is Color Blind”, natanong nga sina Donny at Belle kung ano ang pakiramdam bilang New Gen Phenomenal Love Team.
“Wow! Honestly, it’s super flattering na matawag ng ganoon,” sey ni Belle.
Ayon naman kay Donny, “It’s very much appreciated. It’s humbling. We’re just happy. If I already had goosebumps watching it, now, hearing that pa, dumagdag pa.”
In fairness, talagang sikat na sikat na ngayon ang DonBelle dahil hindi lang sa Pilipinas humahataw ang magka-loveteam kundi maging sa iba’t ibang panig din ng mundo.
“We’re very grateful, we’ll never get tired of saying that. Sobrang grateful lang kami to be given this trust by everyone. It’s been a journey, a rollercoaster ride, and we went through it together,” ani Donny na special mention pa ang Star Cinema.
“Marami rin kaming pinagdaanan, good and bad, but at the end of the day, tama ‘yung sinabi ni Belle, we have a movie, and we’re so blessed to be here,” aniya pa.
Nagpasalamat din nang bonggang-bongga si Belle sa lahat ng fans nila ni Donny, “Hindi po kami mapapagod sabihin ‘yun, we’re very grateful. Just imagine na kahit online lang lahat ngayon, nararamdaman namin ‘yung suporta at pagmamahal nila.”
Samantala, marami ang nagsasabi na mukhang ang DonBelle na ang susunod sa mga yapak ng reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa isang panayam, sinabi nina Donny at Belle na sana’y maabot din nila ang tagumpay ng KathNiel pero alam nilang marami pa silang dapat patunayan bago lumebel sa success nina DJ at Kath.
Sabi ni Donny, “We’re very humbled and flattered. Sila KathNiel, KathNiel na ‘yun, e! They’re already KathNiel.
“We’re very flattered, but also we’re focused on getting our own path, our own journey, learning every day and learning from each other, supporting each other.”
“We are focused on just making sure that we keep our feet on the ground and we never stop learning, and that we give the glory to God all the time,” sabi pa ng anak ng award-winning actress na si Maricel Laxa.
Habang tumatagal ang kanilang pagsasama, marami rin silang mga bagong discoveries sa isa’t isa. Ani Belle patungkol kay Donny, “Mas nakita ko kung gaano siya ka-passionate sa ginagawa niya, kung gaano niya kamahal ‘yung craft niya.
“This whole lock-in, sobrang challenging. Yet, nakita ko ‘yung similarities niya lalo with Ino, na despite ng mga pinagdadaanan, hindi sila susuko pareho,” dugtong pa ng dalaga.
Sey naman ni Donny, “I know this already na sobrang hardworking niya. More and more, I see it. More and more, it’s evident, especially dito sa lock-in na ‘to.
“‘Di ba l, ang dami nating pinagdaanan ng challenges? Sobrang hirap minsan. Nakita ko talaga na there’s nothing that will stop her from learning, and showing what needs to be shown. I learn that more and more every day,” sey pa ni Donny.
Netizens kilig sa ‘couple’ Halloween costume ng DonBelle: Pasimple lang talaga kayong dalawa
Donny proud na proud sa ‘He’s Into Her’, pero umaming nape-pressure dahil…
The post DonBelle binansagang New Gen Phenomenal Love Team, susunod sa yapak ng KathNiel appeared first on Bandera.
0 Comments