Marian Rivera
KUNG marami ang natuwa at na-excite sa pagiging judge ng Kapuso actress na si Marian Rivera sa 2021 Miss Universe na gaganapin sa Israel, may mga nangnega rin at nang-okray sa kanya.
Bukas, Dec. 6, lilipad na patungong Eilat, Israel si Marian matapos ngang mapili ng Miss Universe Organization bilang isa sa mga miyembro ng selection committee. Magaganap ang grand coronation sa Dec. 12 (Dec. 13, 7 a.m., Philippine time).
Ayon sa misis ni Dingdong Dantes, “Aaminin ko, para sa akin, minsan lang kasi mabigyan ang isang tao ng ganito kahalagang gagampanan mo sa isang Miss U, na kung saan ay napakahalagang okasyon na magsasama-sama ang lahat. Para sa akin, isang malaking karangalan ito.”
Ayaw na raw patulan ng aktres ang mga bashers na kumukuwestiyon sa pagkakapili sa kanyang hurado sa Miss Universe. May nagkomento pa nga na tututukan daw talaga nila ang pagsasalita niya ng English sa Question-and-Answer segment.
“Aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino. At kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina.
“At ang masasabi ko lang, kilala niyo naman ako. Hindi naman ako mapagpanggap, di ba? So, ie-express ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ‘yan,” pahayag ni Marian sa ginanap na virtual mediacon ng GMA last Friday, Dec. 3.
Samantala, natanong din ang aktres kung ano ba ang mga qualities na hahanapin niya sa mga kandidata para maging Miss Universe this year?
“Siguro yung description na magdya-judge ako, siguro ang pananaw ko dun, nandun ako para i-appreciate ko at maging saksi sa kagandahan ng mga kababaihan sa buong mundo.
“At siguro, hindi lang yung kagandahan kung hindi ang katapangan din nila na maibalik ang humanity sa ating mundo sa kabila ng mga pinagdaanan natin.
“Alam mo yun, yung radical na pagbabago na ibinigay sa atin ng pandemya. So mas yun ang nilu-look forward ko, ang makilala at makita silang lahat,” tugon ng Kapuso star.
Tungkol naman sa pagkakapili sa kanya ng Miss Universe Organization bilang hurado, ayon sa CEO ng talent management niyang Triple A na si Direk Mike Tuviera nagulat din sila nang matanggap ang good news.
“Ako ang magkukuwento kasi ako ang unang nakarinig. Actually, I was contacted by Jenny Ferre who is a creative head of Eat Bulaga. Kasi yung producer ng Miss Universe, they actually have a long-standing good relationship with them because they co-produced before.
“And they were going through Ms. Jenny para ma-invite si Marian. So, kailangan ko munang tawagan si Marian at tanungin kung interesado siya at kung gusto niyang maging judge o selection committee for Miss Universe.
“Nang umoo si Marian, she was vetted by the Miss Universe Organization. Nakita naman siyempre yung massive Facebook presence niya, social media, and everything. Sila yung lumapit po at nagpaalam on how to reach Miss Marian,” paliwanag ni Direk Mike.
Wala namang nabanggit si Direk Mike kung sa pre-pageant selection committee ka-join si Marian o sa mismong grand coronation night.
Ngunit ayon sa bossing ng Triple A, “We still don’t have the final list of the things to do ni Marian in the event. But, yes, she will be attending the coronation night.”
https://ift.tt/3G6eZB0
The post Bwelta ni Marian sa laiterang bashers: Aaminin ko, hindi talaga English ang first language ko, hindi ako mapagpanggap appeared first on Bandera.
0 Comments