MARAMI nga ang nagulantang nang mapabalita ang paghihiwalay ng longtime couple na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez.
Ang kakulangan raw ng oras para sa isa’t isa ang naging dahilan para tuluyang maghiwalay ng landas ang dalawa.
Agad namang nagpakita ng suporta ang mag-asawang sina Rodjun Cruz at Diane Medina kasabay ng paglabas ng mga balitang hiwalay na nga ang dalawa.
Sa magkahiwalay na Instagram post ay ipinaramdam ng mag-asawa na hindi nag-iisa si Rayver.
“Got your back always! Proud of you my brother @rayvercruz. Kaya madaming nagmamahal sayo at Sobra kang blessed dahil napakabuti mong Tao. Miss kita agad,” saad ni Rodjun sa kapatid kalakip ang kanilang dance videos together.
“Pag balik ko hataw na Ulit. All the way up tayo! I Love you King,” dagdag pa ni Rodjun.
Di naman nagpahuli ang short but sweet message ni Diane para kay Rayver na sobra rin niyang naging close.
“I love you @rayvercruz,” saad ni Diane kalakip ang litrato kung saan magkayakap sila ni Rayver na kuha noong kasal nila ni Rodjun.
Hanggang ngayon ay nananatili pa ring tahimik sina Rayver at Janine ukol sa balitang nagtapos na ang apat na taon nilang pagiging magkasintahan.
Marahil ay abala pa rin ang isa’t isa sa kani-kanilang proyekto kaya wala pa silang panahon para magsalita about the reported break up.
Si Janine ay kasalukuyang busy dahil may season 2 na ang kanyang unang teleserye sa ABS-CBN na “Marry Me, Marry You” samantalang si Rayver naman ay abala sa pagho-host ng “The Clash” kasama si Julie Anne San Jose at “All Out Sundays” sa GMA 7.
Related Chika:
Julie Anne umaming super close sila ni Rayver, pero walang malisya: He’s such a good friend
Janine, Rayver naghiwalay na, 4 na taong relasyon nauwi rin sa wala
The post Rodjun nagparamdam ng suporta kay Rayver: Got your back always, brother! appeared first on Bandera.
0 Comments