Heber Bartolome
PUMANAW na ang Filipino folk music legend na si Heber Bartolome kagabi. Siya ay 73 years old.
Mismong ang kapatid ng OPM icon na si Jesse Bartolome ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa isang panayam ngayong umaga.
Ayon kay Jesse, biglaan ang pagkamatay ng veteran at award-winning singer-composer, sa katunayan napakasaya pa raw nila nang mag-celebrate ng birthday ang kapatid nitong nakaraang Nov. 9. Ang eksaktong kaarawan nito ay Nov. 4.
“Nawalan siya ng pulso kaya dinala sa Veterans (Hospital)… pero ganu’n talaga, e. Namatay na si utol. Ang feeling namin, baka yung sakit niya na…may stone kasi siya sa prostate.
“One year na yun, so, baka yun ang naging dahilan. Kasi ang alam ko may complications din yun sa puso,” pahayag pa ni Jesse na nakasama ni Heber sa pagbuo ng Banyuhay noong 1970s na naging daan para makilala ang kanilang mga kanta.
Nilinaw din ni Jesse na hindi COVID-19 ang naging sanhi ng pagpanaw ni Heber Bartolome kaya posibleng buksan nila sa publiko ang burol ng kapatid, “Marami siyang fans kaya siguradong gusto rin nilang magbigay ng huling pagrespeto sa kanya.”
Si Heber ang nagpasikat ng classic Pinoy hit na “Tayo’y Mga Pinoy,” “Nena”, “Almusal”, “Istambay,” “Karaniwang Tao”, “Pasahero”, “Inutil sa Gising” at marami pang iba.
“Wala akong kantang hindi hango sa tunay na karanasan. Kasi mahirap magsulat ng hindi mo naman naranasan.
“Ang maganda kasi sa mga sinusulat mo, iyong mga binabanggit mong salita nagmamarka sa mga nakikinig na meron karanasan ganu’ng din,” ang pahayag ni Heber Bartolome sa isang panayam.
“Lagi kong sinasabi God given ang mga isinulat ko. Parang ginagamit ka ng kung sino na, may bumubulong. Biglang dadaan sa isip mo. Hindi iyong parang susulat ako ng tungkol sa pagiging makabayan. Wala akong ganu’ng mga impression,” aniya pa.
Isa ang aktor na si Cesar Montano sa mga celebrities na unang nag-post ng pakikiramay sa pagpanaw ng OPM legend. Nag-post pa siya ng mga litrato nila ni Heber sa Facebook.
“RIP my friend Prof Heber Bartolome. My deepest condolences & prayers and love to his entire family (Photo taken in his house Nov. 9,2021 on Heber last birthday). Patuloy ka namin makakasama Ka Heber dala namin ang mga ginintuang awitin mo sa aming mga puso. Purihin ang Diyos sa langit sa iyong buhay na alaala,” ang mensahe ni Cesar sa kaibigan.
Sabi naman ng veteran singer na si Dulce, “Ano ba yan kakamessage mo pa lang sa akin!!!! (crying emojis),” kalakip pa ang photo nila ng yumaong singer.
https://ift.tt/3kDnr28
The post OPM legend Heber Bartolome pumanaw na; showbiz industry nagluluksa appeared first on Bandera.
0 Comments