Kim Atienza
KALIWA’T KANANG batikos ang inabot ng bagong Kapuso na si Kim Atienza mula sa netizens nang mabigyan ng malisya ang komento niya sa Facebook post ni Camille Prats.
Karamihan sa bumanat kay Kuya Kim ay mga solid Kapamilya fans na naniniwalang may hugot ang kanyang comment laban sa dati niyang kinabibilangang programa sa ABS-CBN, ang “It’s Showtime”.
Dahil dito, napilitan nang magsalita ang Kapuso TV host at nilinaw na wala siyang intensyong makasakit o maka-offend ng kahit sino lalo na sa mga dati niyang kasamahan sa Kapamilya noontime show.
Nag-ugat nga ito sa FB post ng Kapuso actress-TV host na si Camille Prats tungkol sa bagong directorial job ng kuya niyang si John Prats sa ABS-CBN.
Ni-repost ng Kapuso actress ang Instagram message ni John kung saan abot-langit ang pasasalamat nito na maihilera sa mga bigating direktor ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kabilang na sina Coco Martin, Albert Langitan, Kevin de Vela at Malu Sevilla.
“Kuya ko yaaaan!!!” ang isinulat ni Camille sa caption ng kanyang FB post.
Ito’y may kaugnayan nga sa announcement ng Dreamscape Entertainment na makakasama na ang Megastar na si Sharon Cuneta sa “Ang Probinsyano”.
Isa si Kuya Kim sa mga nagkomento sa post ni Camille. Magkasama ngayon ang dalawa sa morning talk show ng GMA na Mars Pa More.” Ani Kuya Kim, “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”
Walang binanggit na “It’s Showtime” ang bagong Kapuso star sa kanyang comment pero ang paniwala nga ng netizens ang Kapamilya noontime show ang tinutukoy nitong “sakit ng ulo” na naiwasan ni John.
Ayon sa isang netizens, magkaibigan daw kasi sina Kuya Kim at Bobet Vidanes na dating direktor ng “Showtime” idagdag pa raw ang kabarkada ng mga ito na si Billy Crawford na dati ring host ng programa na napapanood na ngayon sa noontime program ng TV5 na “Lunch Out Loud”. Si Bobet Vidanes ang direktor ng nasabing programa.
Masasakit ang mga paratang ng netizens laban kay Kuya Kim nang dahil sa comment niya sa FB post ni Camille kaya naman naglabas na ng kanyang saloobin ang TV host hinggil dito.
Aniya sa kanyang tweet, mahal niya ang mga dating katrabaho sa “It’s Showtime” at hindi siya magsasalita ng anumang negatibo na makakasakit sa mga ito.
“I didn’t mean anything negative w/ my comment.
“Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show.
“Masakit talaga sa ulo, multitasking w/ a skeleton crew etc.
“I love my showtime family and will never say anything bad about them. Be safe everyone,” pahayag pa ni Kuya Kim.
Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?
The post Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’ appeared first on Bandera.
0 Comments