TRENDING ngayon ang aktor at anak ng dating Panguling Joseph “Erap” Estrada na si Jake Ejercito matapos ang lantaran nitong pagsuporta kay Vice President Leni Robredo na tatakbo sa pagkapresidente sa darating na eleksyon 2022.
Nitong Huwebes, Nobyembre 18, ibinahagi ng aktor sa kanyang Twitter account ang throwback photo niya nang makisali siya sa rally laban sa pagpapalibing sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. sa libingan ng mga bayani.
Kasama nito ay isa pang litrato ng aktor na nakasuot ng face mask na may mukha ni VP Leni at may nakasulat na “Leni Robredo 2022”.
“5 years ago today, I joined a rally to protest FEM at LNMB. Had to cover my face with a bandana for personal reasons. 5 years later, face still covered, but this time loudly and proudly #tumindig,” saad ni Jake.
5 years ago today, I joined a rally to protest FEM at LNMB. Had to cover my face with a bandana for personal reasons. 5 years later, face still covered, but this time loudly and proudly #tumindig pic.twitter.com/DbLMgWKeMz
— Jake Ejercito (@unoemilio) November 18, 2021
Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Jake ang kanyang suporta kay VP Leni.
Matatandaan na noong mga panahong binabatikos ng mga netizens ang naging paraan ng pagtawag ng kanyang anak na si Ellie sa kasalukuyang partner ni Andi na si Philmar ay ang tanging sinabi lang ni Jake ay, “Some people really making a fuss about whom Ellie calls what. Problemahin natin kung paano patatakbuhin si Leni.”
Marami namang mga netizens ang humanga sa tapang ni Jake base mga reply sa kanyang Twitter post.
“Vico and Jake are millennial generations of political families with wide opened eyes to realistic situations of Filipinos. They are those with penchant to good service rather than adherence to a family name.”
“Not easy doing that considering the family you were born into. Thank you for standing up and lending your voice.”
“This is how a Real Father who thinks about the future of his child votes. Even though he comes from a Known Political Dynasty, son of Erap, he is being Brave and Wise. Kudos Jake.”
Samantala, mapapanood naman si Jake sa kanyang teleserye na “Marry Me, Marry You” kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa Kapamilya Channel na mapapanood tuwing gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.
Related Chika:
Jake Ejercito 5 taon nang walang dyowa; payag makatrabaho sina Andi at Jaclyn
The post Jake Ejercito lantaran ang suporta kay VP Leni Robredo appeared first on Bandera.
0 Comments