Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Donnalyn naging sanhi ng away nina Paul at ex-dyowa noon

Donnalyn naging sanhi ng away nina Paul at ex-dyowa noon

INAMIN ng Kapuso star na si Paul Salas na naging sanhi umano ng kanilang away ng dating karelasyon ang aktres at vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Ito ay ibinahagi ni Paul sa latest vlog ni Donnalyn kung saan naglaro sila ng “Sagot o Sagot challenge” kung saang wala silang choice kundi sagutin ang tanong ng bawat isa.

Matagal nang magkaibigan ang dalawa at nagsama na rin sila sa isang project kung saan gumawa sila ng pelikulang “Happy Breakup” na mapapanood sa YouTube channel ni Donnalyn.

Kuwento ng dalawa, nang gawin nila ang pelikula ay parehas silang nasa isang relasyon.

Chika ni Paul, crush niya noon si Donna at kahit noong wala pa ito sa Pilipinas ay sinusubaybayan na niya ito.

Muli ngang nagbaliktanaw ang dalawa habang nagpapalitan ng tanong sa isa’t isa.

Tinanong ni Paul si Donna kung may moment ba na naging sanhi siya ng awayan ng non-showbiz dyowa noon ni Donnalyn na si Dex.

Agad naman inamin ni Donna na naging dahilan nga siya ng away ng dalawa dahil na rin may trauma ang dyowa ni Donna noon dahil nabiktima na rin ito ng panloloko.

Matapos sagutin ay ibinalik ni Donna ang tanong kay Paul kung naging dahilan ba siya ng pag-aaway nila noon ng girlfriend ng aktor.

“Oo… Hindi ko alam kung selosa siya o dahil rin sa pag-react ko. May takot kasi ako kahit wala akong ginawa kaya siguro ‘yun yung mas lumamang sa kanya, kung bakit ako nagiging defensive,” sey ni Paul.

Amin pa ni Paul, inaya niya noon si Donna ng dinner pero ni-reject siya nito.

Kuwento ni Donna, pumayag raw siyang makipag-dinner kay Paul pero sinabi niyang kasama dapat si Andrew Muhlach na bestfriend ni Paul.

Nang tanungin naman si Donna kung may chance bang maging sila ni Paul ay hindi naman ito direktang sinagot ni Donna.

Marami naman sa mga netizens ang kinilig nang magsamang muli ang dalawa lalo na’t tila ngayon na lang ulit nagsama ang dalawa at sumakto pa na parehas silang single ngayon.

May mga nagsasabi pa na baka may tsansa na magkaroon ng “something” ang dalawa lalo na’t malakas ang chemistry nila together.

Ngunit mas curious ang mga netizens kung sino ang tinutukoy na dyowa ni Donna nang tanungin niya si Paul at marami ang nagsasabing si Barbie Imperial ito.

Base kasi sa timeline ay 2017 nang inilabas ang “Happy Breakup” at noong mga panahon na ‘yon ay si Barbie ang kasintahan nito.

Anyway, masaya naman na ang dalawa sa kanilang mga buhay at naka-move on na sa dating relasyon lalo na at in a relationship ngayon si Barbie sa kapwa artistang si Diego Loyzaga.

Related Chika:
Paul Salas napahiya sa taping, gusto na sanang mag-quit sa showbiz: Sabi ko, ayoko na!

The post Donnalyn naging sanhi ng away nina Paul at ex-dyowa noon appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments