Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Hirit ni Janine ‘pag pinag-agawan ng 2 lalaki: Pipiliin ko kung sino ang mahal ko, ganu’n lang kasimple

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

HANGGANG ngayon ay “dedmadela” (read: dedma) at hindi pa rin nagsasalita sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz tungkol sa kanilang reported break-up.

Mukhang wala pang balak ang dalawa na ibandera sa buong universe ang katotohanan about their controversial hiwalayan kaya naman kung anu-anong ispekulasyon ang naglalabasan kung ano talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Nadadamay pa nga ngayon sa issue ng nagkahiwalay na magdyowa ang respective on screen partners nilang sina Julie Anne San Jose at Paulo Avelino. 

May mga nagsasabi kasi na baka raw nagkadelopan na sina Janine at Paulo dahil sa kanilang romcom series na “Marry Me Marry You” sa ABS-CBN habang nababahiran naman ng malisya ang espesyal na pagkakaibigan nina Julie Anne at Rayver dahil sa kanilang mga projects together sa GMA.

Bago pumutok ang balitang break na sina Janine at Rayver, nakachika pa ng ilang members ng media ang dalaga sa virtual mediacon para sa second season ng “Marry Me Marry You”.

In fairness, wala naman kaming nakitang bakas ng pagiging heartbroken sa itsura ni Janine kung saan sinabi nga niya kung gaano siya kasaya sa tagumpay ng una niyang serye sa ABS-CBN.

“Sobrang saya ng experience. As soon as I got the script, unang basa pa lang naiyak na ako sa kuwento eh, and to get to work with an amazing cast under Dreamscape na napakaganda ng kuwento and then I’m working pa with Paulo and Jake (Ejercito), sobrang saya ng experience. 

“Parang naging pamilya talaga kami sa taping at sa set. Ang laki rin ng pasasalamat ko kay Ate Shine (Sunshine Dizon) at Ms. Pie (Cherry Pie Picache) at Ms. Vina (Morales) kasi sobrang dami kong natutunan sa kanila na feeling ko mga ate, tita at nanay ko talaga sila. And it was really the best experience. 

“Also getting to share everything pagdating sa mga mediacon hanggang ngayon na sinuportahan kami ng mga kapamilya. Sobrang saya talaga,” pahayag ng aktres.


Aniya, naparakami pa raw twists and turns sa second season ng programa, “It’s super, super exciting at kahit alam ko yung mga mangyayari, excited pa rin ako nung nakita ko yung mga bago for season 2.

“And I’m happy to share lahat ng dapat abangan pagdating sa mga relationships sa pag-ibig at sa pamilya. I’m glad na nakaka-touch kami ng iba’t ibang buhay thorugh Marry Me Marry You kaya sobrang thank you talaga sa lahat ng nanunuod. 

“Sobrang na-enjoy ko itong romcom kasi mas malapit siya sa sarili kong personality. Ako kasi yung tipo na kahit umiiyak bigla akong matatawa. Or kahit malungkot madadaan ko pa rin sa joke. And feeling ko marami sa ating mga Pinoy ang ganu’n yung ugali, di ba?

“Kaya alam ko na marami talagang nakaka-relate sa ganitong klaseng kuwento ng pag-ibig at pamilya. Kaya talagang enjoy na enjoy ko talaga itong Marry Me Marry You,” dire-diretsong chika pa ni Janine.
Samantala, nang matanong naman kung ano ang gagawin niya sakaling mangyari sa kanya naging sitwasyon ng karakter niyang si Camille na pinag-aagawan ng dalawang lalaki.

Sagot ni Janine, basta susundin niya ang itinitibok ng kanyang puso, “Kung sino siguro yung mahal ko, ganu’n lang kasimple.”

Handa rin daw siyang bigyan ng second o third chance ang isang tao kung talagang mahal niya, “Yes ako yung type na sasagutin ko para in the end no regrets and masabi ko na ginawa ko lahat. 

“And sa ganu’n madali rin para if ever you have to move on na parang you already did everything, nabigay mo lahat and nagmahal ka nang todo para no regrets,” katwiran ng aktres.

Sinagot din ng leading lady ni Paulo ang tanong kung may dream wedding na ba siya, “Gusto ko yung parang walang strict na motif, yung parang may color palette lang. O kaya parang theme para mas modern at saka relaxed at walang pressure sa mga bisita na kailangan bumili ng ganitong kulay ng damit.”

Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga…

Janine Gutierrez may kwelang ‘before and after’ photo; hindi inaakalang mag-aartista

The post Hirit ni Janine ‘pag pinag-agawan ng 2 lalaki: Pipiliin ko kung sino ang mahal ko, ganu’n lang kasimple appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments