Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Bagong boy group na Beyond Zero ikinukumpara sa SB19, ano nga ba ang pinagkaiba?

Beyond Zero

NANG dahil sa TikTok, nabigyan ng bonggang pagkakataon ang pitong social media personality na makapasok sa entertainment industry.

Ang tinutukoy namin ay ang bagong all-male group na Beyond Zero na binubuo ng mga sikat na Tiktokerist na sina Andrei Trazona, Jester Kyle, Duke Cruz, Jieven Aguilar, Wayne Gallego, Khel Figueroa at Mathew Echavez.

Nakitaan sila ng potensiyal sa larangan ng pagpe-perform ng  House of Mentorque kaya naman agad silang binigyan ng management contract.

Bukod kasi sa milyun-milyun nilang followers sa TikTok at iba pang social media platforms ay talagang palaban sila pagdating sa paghataw on stage.

“For months, hindi biro ang pinagdaanan ng Beyond Zero. I would like to personally thank all those who helped para maging possible ang lahat ng ito. 

“Lahat ng parents, relatives and friends. Beyond Zero will always be proud to be part of the digital influencers’ community here in the Philippines,” ang pahayag ng House of Mentorque CEO na si John Brian Diamante sa ginanap na virtual launch ng kanilang bagong boy group.

Sa paglalarawan ng grupo, si Duke daw ang nagsisilbing leader ng grupo, si Matty ang heartthrob, si Wayne ang bungisngis na topnotcher, si Khel ang singer at songwriter, si Jieven ang pinaka-baby sa grupo at people’s choice sa social media para mag-join sa grupo. Si Jester naman ang sweet, cute, at charming samantalang si Andrei ay ang proud na LGBTQ member.

May nagtanong sa kanila kung ano ang pinagkaiba ng Beyond Zero sa SB19 na isa ring sing and dance group, sagot ni Andrei, “We are Tiktokers before all this happened. SB19 has a Korean influence, a KPop influence. Beyond Zero came from dance community. 

“Kami we had that hiphop influence and we are proud of it. And we really think na ‘yung pagiging good namin sa hiphop community ang magbibigay ng edge to go global,” aniya pa.

Dagdag pang pahayag ni Andrei, ”We really think that the fans, we may lose some once we have our single, but we will gain more. And we believe that. 

“The more na pagsisikapan namin ito, the more na confident kami sa brand at sa mga sarili naming na we can actually make it,” katwiran pa ng leader ng Beyond Zero.

Ang bagong hitsura ng grupo ay sanhi ng maraming buwang pagsasanay hindi lamang sa pagkanta, pagsayaw, kundi pati ng kanilang personalidad.

Ayon pa sa CEO ng House of Mentorque na si John Brian,  talagang kinarir ng grupo ang kanilang training, ”Kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng parents, relatives and friends. Beyond Zero will always be proud to be part of the digital influencers community here in the Philippines.”


Pangarap ng Mentorque na maging global ang Beyond Zero. Pero bago nila kinuha ang grupo, sinabi ni John na, ”There were hesitation to take Beyond Zero from the beginning. It’s because we are very conservative country and this is the first time that a boy group na may album. And we are proud of that.

“And because of that exclusivity and diversity, I think makikita ng mga Pinoy at ng global fans na pwede pala. They can do it also and pwede nila magawa.

“There are a lot of LGBT influencers na gumagawa ng pangalan and ito ‘yung unique sa Beyond Zero at ang roots niya na PPop at Pinoy talent at Pinoy music, lalung-lalo na we are working with a lot of really good artists para sa grupo. We are very excited doon sa kanilang single dahil mayroon na at maririnig nila iyon sa aming digital concert,” diin pa niya.

Ang Beyond Zero ay nakabuo na ng una nilang single, ang “Reach The Top” kung saan naka-collab nila ang award-winning-singer-songwriter na si Quest. 

Kasalukuyan din silang nagsasanay para mas mahasa pang mabuti ang kanilang kakayahan at ito ay nakadokumento at ipakikita sa isang 6-part documentary series na mapapanood sa KTX.ph sa Dec. 18, na iho-host ni Jessy Mendiola.

Sa bawat episode, mas malalaman ang mga personal na buhay at mga sakripisyo bilang isang grupo para maabot ang mga bagay na tinatamasa nila ngayon.

Kasabay ng launching at bagong single ang announcement tungkol sa kanilang concert na gagawin sa Dec. 3 at mapapanood din sa KTX.ph. Makakasama rito ng Beyond Zero ang SexBomb Dancers, Maneuvers, Ace Ramos, Mars Miranda, Quest at JROA.

SB19: Nakakatuwa na kahit ibang lahi pinipilit nilang intindihin ang salita at kultura natin

The post Bagong boy group na Beyond Zero ikinukumpara sa SB19, ano nga ba ang pinagkaiba? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments