Vice Ganda
ISA si Vice Ganda sa mga celebrities who is encouraging netizens to register and vote.
Sa kanyang Twitter account, hinikayat ng “It’s Showtime” host ang madlang pipol to register para makaboto in next year’s national elections.
“Sa mga Little Ponies ko na nasa sapat na gulang na at di pa rehistrado PLEASE REGISTER TO VOTE!!! Wag ng magpatumpik tumpik pa!”
That was Vice Ganda’s tweet matapos niyang i-post ang announcement ng extension ng voter’s registration from Oct. 11 to Oct. 30.
Of course, marami ang nag-react and most of them are positive naman.
“Yessyess sabay sabay tayo aahon at aasa pa pagbabago ng ating bansa.”
“Yesyes maglabasan na mga little ponies saan bat magtatagumpay din tayo sa huli. Kapamilya sama sama.”
“Done maa. Sama sama tayo sa pag babago. Rehistro mga kagandahan!”
“Thank you for using your platform.”
“Super helpful po ang ONLINE REGISTRATION. Dalhin lang ang printed online Registration form na may QR code. Make sure na long bond paper at naphotocopy ang government ID. May priority lane ang mga nakapag-online register mamang.”
“Go na kayo guys magpa rehistro na para hindi masayang ng mga vote niu.”
“I-educate po natin ang mga bagong voters na nagiging biktima ng revisionism dahil sa tiktok, fb at youtube (grinning face with smiling eyes) baka kasi magparegister sila pero sablay naman maboto (face with tears of joy emoji) daming kabataan ngayon ang mas naniniwala sa tiktok, yt at fb kesa libro.”
* * *
Ibang-iba talaga ang pagdiriwang ng mga Pilipino ng Pasko na inilahad ni Ogie Alcasid sa bago niyang kanta na “Pasko ng mga Pinoy.”
Tampok sa latest Star Music release ang mga tradisyon na ginagawa ng mga Pinoy tuwing Kapaskuhan. Kabilang dito ang pagpapatugtog ng Christmas songs simula Setyembre, pagdiriwang ng Noche Buena, at pagka-caroling ng mga bata.
Nagsisilbi rin itong maagang pamasko ni Ogie sa kanyang fans at masayang paalala sa pagmamahal at ligayang nararamdaman sa panahon ng Pasko.
Maglalabas din ang Kapamilya singer ng “Pasko ng mga Pinoy” music video na maglalarawan ng natatanging selebrasyon ng mga Pinoy at magtatampok sa ilang mga Pilipino na hindi makakapiling ang kanilang minamahal sa pagdiriwang ng Pasko.
Balikan ang masasayang Christmas tradition sa “Pasko ng mga Pinoy” ni Ogie, na mapapakinggan na sa iba’t ibang music streaming platforms.
The post Vice muling nanawagan: Please register to vote! Wag nang magpatumpik-tumpik pa! appeared first on Bandera.
0 Comments