Regine Velasquez
“NAGREKLAMO” ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos makakuha ng mababang score sa pagbirit niya ng sariling kanta sa isang videoke machine.
Enjoy na enjoy din ang singer-actress sa pakikipagkantahan kasama ang kanyang pamilya nang magkaroon sila ng videoke session kamakailan.
Pero mukhang hindi nagustuhan ng award-winning OPM icon ang naging score niya nang ibirit ang kanta nila ni Martin Nievera, ang classic hit na “Forever”
Ipinost ng misis ni Ogie Alcasid sa kanyang Instagram account ang maikling video kung saan kinakanta nga nila ng kapatid na si Jojo ang “Forever.”
Nang matapos ang kanilang performance, 80 lamang ang ibinigay na score kay Regine kaya naman nagreklamo ito na baka raw may daya ang karaoke machine. Imagine nga naman, ang original na singer na ang kumanta tapos 80 lang? Ha-hahaha!
Ang caption ng Kapamilya star sa kanyang IG video, “Karaoke with my family. So kinanta ko yung SONG KO tapos ito lang eh!!!!!!ako nga kumanta nya!!!! Parang kailangan ko kausapin yung gumawa nito may daya eh!”
Aliw na aliw naman ang mga fans and social media followers ni Regine nang mapanood ang video nila ng kapatid na bigay na bigay din sa kanyang performance.
Pagsang-ayon naman ng ilang netizens, siguradong may “daya” raw ang videoke machine dahil kapag kinakanta raw nila ang “Forever” sa videoke ay nakaka-100 pa sila. Ha-hahaha! Yun lang!
Regine: Sinabihan akong hindi sisikat kasi pangit…talaga ba? Let’s see!
* * *
Patuloy na sinusundan ang pakikipagsapalaran ni Cardo (Coco Martin) sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa labas ng bansa dahil ipapalabas na ang ikalawang season nito sa Vietnam ngayong linggo.
Mapapanood na ng Vietnamese viewers ang bagong yugto sa kwento ni Cardo simula ngayong Okt. 17 tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo sa HTV9 channel.
Sa nakalipas na anim na taon ng serye, dumami pa ang mga taong sumusubaybay sa longest-running Pinoy action-drama series sa bansa. Bukod sa Vietnam, napapanood din ang episodes nito sa Netflix at The Filipino Channel at ipinalabas sa TV sa Myanmar, Laos, Thailand, at 41 bansa sa Africa.
Sa pagpapatuloy naman ng kwento ng kasalukuyang season nito, nagkakagulo na ang mga kaaway ni Cardo dahil nagsisimula nang planuhin ni Arturo (Tirso Cruz) kung paano niya maiisahan ang boss niyang si Lily (Lorna Tolentino) at ang makapangyarihang si Renato (John Arcilla).
Problemado si Lily dahil ayaw siyang tulungan ni Arturo pagkatapos mahuli ang kasosyo niyang si Lito (Richard Gutierrez) ng grupong Black Ops na pinamumunuan ni Albert (Geoff Eigenmann).
Malaking problema rin ang hinaharap ni Renato dahil bukod sa pagkakapaslang ng malapit niyang tauhan, nabuntis din ng impostor na presidenteng si Mariano (Rowell Santiago) ang sekretarya nito.
Sa oras na malaman ng publiko ito, magiging malaking iskandalo ang balita na maaaring makasira sa pagkakandidato ni Renato sa paparating na halalan.
Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel.
The post Regine naloka, inireklamo ang score sa videoke: Kinanta ko yung song ko tapos ito lang, eh! appeared first on Bandera.
0 Comments