Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Julia: Ang sarap kayang mawasak ang puso…kasi alam mong tumitibay ka, natututo ka

Julia Barretto at Marco Gumabao

PINALAKAS ni Julia Barretto ang loob ng mga taong nawawalan na ng pag-asang matagpuan at makasama ang kanilang “forever” matapos mabigo nang ilang beses sa pag-ibig.

Ayon sa aktres, habang may buhay ay hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil naniniwala siya na darating din ang tamang panahon pagdating sa usaping lovelife.

Aniya, lahat ng tao ay nagmamahal, nasasaktan at nabibigo pero hindi ibig sabihin nito ay katapusan na rin ng mundo. Ibig sabihin lang nito, may iba pang taong nakalaan para talaga sa iyo.

Natanong namin ang girlfriend ni Gerald Anderson sa virtual mediacon ng Kapatid series na “Di Na Muli” kung ano ang maipapayo niya sa mga taong ilang beses nang na-heartbroken at natatakot nang magmahal at magtiwala uli.

Sagot ni Julia, “Don’t lose hope. Lahat naman tayo pinagdaanan ‘yan. Actually, hindi lang sa pag-ibig. Maraming bagay sa buhay minsan parang, ‘ayoko na, huwag na lang. Nakakawalang gana. Nakaka-discourage.’ Pero huwag kang magpatalo.” 

Aniya pa, “Ang sarap magmahal. Ang sarap mabuhay. Ang sarap magtagumpay. Ang sarap mag-move forward. 

“Ang sarap magkaroon ng bagong experience ng pagmamahal na magugulat ka na lang din. ‘Ay may ganito pala. Ito pala ‘yung para sa akin. Ay buti na lang ganu’n pala ang nangyari,’” dagdag pang paalala ng aktres.

Pahayag pa ng dalaga, may mga positibo ring hatid ang pagkabigo, kabilang na riyan ang pagiging mas matalino, mas wais at mas madiskarte sa buhay.

“Ang sarap kayang mawasak ang puso. Joke lang. Medyo may kurot na masakit pero masarap siya kasi alam mong tumitibay ka. Pag na-o-overcome mo siya, ‘ay, na-overcome ko ‘yon.’

“Kaya ang sarap ng pain na ‘yon kasi alam mo sooner or later ma-o-overcome mo siya. So parang mas masarap kapag masaya ka na kapag naramdaman mo na ‘yung sakit na ‘yon,” lahad pa ni Julia.

Samantala, natanong din ang aktres kung ano ang mga natutunan niya sa bago niyang teleserye na “Di Na Muli” kung saan kasama niya sina Marco Gumabao at Marco Gallo na napapanood sa TV5 at malapit na ring umere sa Vivamax.

Sagot ng aktres na masayang-masaya ngayon sa piling ni Gerald, “Huwag matakot na magmahal ulit. Give love a second chance again because it might be the one for you.”

Gerald ‘reynang-reyna’ ang turing kay Julia; marami nang isinakripisyo dahil sa pag-ibig

The post Julia: Ang sarap kayang mawasak ang puso…kasi alam mong tumitibay ka, natututo ka appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments