Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Netizens excited na sa Eheads reunion matapos ibandera ni VP Leni ang pagtakbo sa 2022

PORMAL nang inanunsyo ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang pagtakbo sa pagka-presidente sa 2022 nationa elections ngayong araw, Oktubre 7, 2021.

“Naniniwala ako ang pag-ibig [ay] nasusukat hindi lang sa pagtitiis, kundi sa kahandaang lumaban, kahit gaano kahirap para matapos na ang pagtitiis. Ang nagmamahal, kailangang ipaglaban ang minamahal,” saad ni VP Leni.

“Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang ating mga sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako, lalaban tayo, inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo sa halalan ng 2022,” dagdag pa nito.

Marami sa madlang pipol ang nagpahayag ng pagsuporta matapos ang naging anunsyo ng kasalukuyang bise presidente.

At ngayon ngang kumpirmado na ang kaniyang pagtakbo at inaasahang maghahain na ito ng certifcate of candidacy mamayang alas tres ng hapon, curious ang netizens kung kailan mangyayari ang pangako ng vocalist ng Eraserheads na si Ely Buendia.

Matatandaang isang netizen ang nagtanong kung may pag-asa pa bang magkaroon ng Eheads reunion na kaagad namang nag-viral nang sagutin ito ni Ely nang “Pag tumakbo si Leni.”

Kasalukuyang trending si Ely at ang banda nitong Eraserheads sa Twitter dahil marami sa netizens ang nangungulit sa kanila ukol sa pangako ni Ely.

“It’s official na, tatakbo na si Leni. Eraserheads, yung promise niyo ha,” tweet ng isang netizen.

“Ready na ako sa reunion concert ng eraserheads at kay PRESIDENT LENI ROBREDO,” saad naman ng isa.

“Imagine Eraserheads reuniting para suportahan si Leni!!!!” hirit pa ng isa.

“Tatakbo si Leni, Diokno in the Senatec possible Eraserheads reunion… life is good #LabanLeni2022,” sey pa ng isang netizen.

Sa ngayon ay wala pang pormal na pahayag si Ely ukol rito. Baka busy pa ito sa paghahanda sa kaniyang digital concert na gaganapin sa Sabado, Oktubre 9.

Well, it’s your turn, Eraserheads! Don’t let the madlang pipol down.

The post Netizens excited na sa Eheads reunion matapos ibandera ni VP Leni ang pagtakbo sa 2022 appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments