Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Joseph Marco hubo’t hubad sa 33rd b-day; 2 music video ni Jayda pasok sa Int’l Film Festival Manhattan 2021

Jayda Avanzado at Joseph Marco

MARAMI ang naloka sa pasabog na photo ni Joseph Marco sa kanyang Instagram account.

On his birthday ay nag-post si Joseph ng nude photo niya sa kanyang Instagram page with this caption, “Year 33.”

Hubo’t hubad si Joseph sa litrato at notebook lang ang nakatakip  sa kanyang private part. 

May ilang celebrities ang nag-react sa pasabog na pictorial ng aktor including Iza Calzado and Rufa Mae Quinto.

“BRO. SANDALI LANG HA HINDI AKO PREPARED. HAHAHAHAHA!!! HAPPY BIRTHDAY TO ONE OF MY FAVORITE HUMANS!!! ILYSM!!!! *yes all caps because Your photo is sooooo,” biting comment ni Iza.

Isang simpleng “Happy birthday” naman ang comment nina Rufa Mae Quinto at Sunshine Cruz.

“Happy birthday brother! Misshuuuu! Have a great one!” say naman ni Sofia Andres.

“Happy birthday brother … bat ka hubad?” tanong sa kanya ni John Estrada.

Nag-react din ang ilang netizens.

“Yan ang birthday pasabog! Happy birthday Mr. U pag tanda ko sana ganyan din ako ka Batak.”

“Swerte ng book. Happy birthday!”

“Maghubo diay marco kung mag 33 na? hahahaha!”

* * *

Pasok bilang official selection ang dalawang music video ng Kapamilya singer-songwriter na si Jayda sa Best Music Video category ng International Film Festival Manhattan (IFFM) Autumn 2021.

Unang pagsabak ni Jayda sa pagdidirek ang music video para sa “Paano Kung Naging Tayo?” habang co-director naman siya ng music video ng “M.U. (Malabong Usapan)” kasama si Edrex Clyde Sanchez.

Sa Instagram, nagpasalamat ang Star Magic artist at RISE Artists Studio talent sa label niyang Star Music at kay ABS-CBN Music head Roxy Liquigan. 

“Thank you for your belief in me and for giving me a chance and platform to expand my creative horizons and to keep challenging myself as an artist and a creator!”

May halos 1 milyong views na sa YouTube ang “Paano Kung Naging Tayo?” MV kung saan tampok ang dating “PBB: Otso” housemate na si Rhys Miguel habang ang close friend ni Jayda na si Francine Diaz ang mapapanood sa “M.U. (Malabong Usapan)” MV na sa ngayon ay may 661,000 views na sa YouTube.

Kasama rin sa eight-track debut album ni Jayda na “Bahagi” ang dalawang kanta.

Ang IFFM ay isang independent film festival sa New York City sa Amerika na nagtatampok ng de-kalidad na seleksyon ng world-class films na may iba’t ibang genre kabilang na ang narrative features, documentaries, shorts, at student films mula sa buong mundo.

Gaganapin ang screening ng IFFM Autumn Festival 2021 online mula Oct. 14 hanggang 17 at live sa Oct. 16 sa Producers Club sa New York City.

The post Joseph Marco hubo’t hubad sa 33rd b-day; 2 music video ni Jayda pasok sa Int’l Film Festival Manhattan 2021 appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments